[SEDRIC HUN DE MESA]
"Mag-aral nga kayong lahat tapos mamaya sa akin kayo aasa. Kakapal ng mga mukha niyo oy!" sigaw ni Chase. Nandito kami sa may room. Maaga kami masyado ngayon halos wala pang tao I mean wala talagang tao except sa amin. Paano nagsusungit na naman si Kristofer at pinaalis ang mga tao dito sa room kanina.
"Kapal ng mukha mo oy! Tignan natin mamaya kung sino makakasagot sa history. Napakayabang mong monggol kaaaaa!" sigaw sa kanya ni Thunder.
"Hindi ba pwedeng ipagtitikom niyo yang mga bibig niyo o gusto niyong lumabas na din sa room na ito?!" sigaw ni Kristofer dun sa dulo. Natahimik naman yung dalawa. May dalaw ata si Kristofer ngayon -,-
"Asan si Jester?" tanong ko kay Drake.
"Malamang late yun. Umulan o umaraw. May test o wala late yun wala kang aasahan sa kanya." sagot sa akin Drake. Oo nga naman.
"Oo nga pala. Hahaha! Bakit nga pala nag-aaral si Kristofer?" tanong ko ulit.
"Kasi pinag-aaral siya ni Tita?" binatukan ko ng isang malakas si Drake.
"Alam kong pinag-aaral siya ni Tita. Ang tanong ko bakit nagseseryoso yan sa pag-aaral ngayon. Hina pumick-up Drake." asar kong sabi.
"Bobo ng pagkakatanong mo tanga. Hahaha!" tatawa tawang sabi ni Drake.
Tsk! Wala nang makakausap ng maayos dito. Makalayas na nga muna.
"San punta mo?" tanong sa akin ni Thunder
"Gusto kong makakita ng mga tao yung mga normal para naman may makausap ako ng matino." sabi ko at naglakad na palabas.
***
Eto yung gusto ko e. Yung tahimik at walang maiingay na tao. Kapag ganitong madami akong iniisip tapos may test pa. Kung nagtatanong kayo kung nasan ako nasa may playground ako ng Elementary building. Layo ng inabot ko no? Hayaan niyo na hahaha. Tatlong oras pa naman bago kami mag-exam e.
"Makapagbasa nga muna." sabi ko at binuklat ang history book ko.
Buklat ... buklat ...
"Tinuro ba to? Ito? Anong American Colonial rule? At eto pa. Ano to? Bakit wala akong maintindihan? Kingina." binuklat ko ang libro ko simula dun sa sinabi ni Sir na page na sakop ng midterm examination namin at nganga talaga ako sa lahat ng ito. Paksyet! Sedric nasan ka ba ng tinuro ni Pantoja yan?
"Ayos! Mukhang wala talaga akong masasagot mamaya ah." asar na sabi ko.
[LESLEY SHANE CABRERA]
"Bakit nasa labas kayo? Naka lock yung room?" tanong ko sa mga kaklase kong naabutan kong nakatumpok sa study hall.
"Ah. Hindi ano kasi--" sinilip ko naman ang room. Bukas naman ah? Nasa loob kasi sina Kristofer so malamang di'ba?
"Bukas naman ah? Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila.
"Pinalabas kasi kami ng grupo nina Kristofer e. Kailangan daw nila yung room. Hindi naman namin alam kung bakit." sagot ni Ailee.
"Oh? Ayos ah. Ano sa kanila ba yung room?! Sila lang estudyante?" asar na sabi ko.
"Ahm kasi... basically Kristofer is the grandson of the owner so takot na lang namin sa kanya." sagot naman ni Yumi.
Tsk! Ayan problema sa kanila e. Masyado silang takot sa grupo nina Kristofer. Like hello?! tao rin lang naman yung mga yun.
"Ayaw niyong pumasok?" at nagsi ilingan naman sila.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?