Chapter 46

6.3K 205 23
                                    

[CHARLIE PARK]

I'm on my way para sunduin si Erliyah. I'm so excited. Hahaha! Kanina pa kasi namin napag-uusapan ito ni Mommy and she's excited too. Safe din na nakarating si Daddy at ngayong nagpapahinga para mamaya.

Kaninang madaling araw sorpresang hinatid namin si Blake sa airport. Lahat kami nandun kaya nagulat pa siya at halos mangiyak ngiyak nga siya nung nakita kami. Tapos pinagtripan pa namin at kinantahan namin ng 'Paalam na' nung tinawag na ang flight number nila.

Actually nagkaroon kami ng man to man talk bago siya umalis. Ginagawa niya raw ito para makalimot. Sa totoo lang naawa ako sa kanya pero ayokong sabihin. Syempre, masakit kaya iyon. I hope na makatulong ang pagpunta niya sa London para makalimot.

******

"Nakita na naman kita. Hay nako! Tapos may pa flowers flowers pa. Tsk!" sabi ni Aliyah pagkapasok ko sa bahay nila. Napatawa na lang ako.

"Si Tita?" tanong ko ng makaupo ako.

"Nasa shop pa." sagot niya.

"Ate Aliyaaaaaah!!! Why is ate Erliyah so busy choosing her dress? Is she going somewhere?" nagulat ako ng may batang dumamba kay Aliyah

"Yes Theo. Eto si Kuya Charlie mo. Siya yung makakasama ni Ate Erliyah mo ngayon. Pogi ba?" tanong ni Aliyah sa bata. Nag nod naman ang bata kaya natuwa ako.

"O kita mo na pati bata napopogian sa akin. Hahahaha!" biro ko

"Teka kuha lang ako ng juice. Theo stay here with kuya Charlie okay?" tapos umalis na siya.

Lumapit sa akin si Theo tapos ngumuso. "Boyfriend ka ba ni Ate Erliyah ko?" tanong niya.

"Ha? Ah ano... Malapit na bakit?" sagot ko. Hahaha! Wala namang masama kung mag-assume ako.

Lalo pa siyang ngumuso. "Ganun? Edi hindi na ako pwedeng magka'crush sa kanya? Wag mo aawayin ate Erliyah ko ah. Crush ko iyon e." sabi niya. Natawa naman ako. Kaya pi'nat ko siya sa ulo.

"Oo naman di ko aawayin ang ate mo. Pagtatanggol ko pa siya kagaya ng ginagawa ni Superman." tapos nagposing pa ako na parang lumilipad. Tumawa naman siya sa ginawa ko.

"Oh ang saya niyo ah. Eto juice Charlie. Theo you want some?" sabi ni Aliyah tapos sinalinan kaming dalawa.

"Ate Aliyah!!! Ang astig ni Kuya Charlie para siyang si Superman." tuwang tuwang sabi ni Theo. Napangisi naman ako.

"Aba!! Boto si Theo sa'yo ah. Anong binayad mo dito?! Hahahaha." biro ni Aliyah.

"Oy wala no! Tsaka hindi nagsisinungaling ang mga bata." sagot ko.

"Nga pala Char. Mahalaga ba yung pinag-uusapan niyo ni Erliyah nung last day natin sa Batangas?" tanong niya

"Alin don?"

"Yung nasa may kusina kayo?" dagdag niya.

Ahhh! Yung tinanong ko siya kung pwede na akong manligaw. Wrong timing kasi ang dating nun ni Aliyah. Pasagot na sana si Erliyah noon kaso hinila siya ni Aliyah palabas ng kusina at may gagawin daw sila. So obviously hindi niya nasagot ang tanong ko. Well I can ask her again later. Hahahaha! Actually, hindi namin napag-uusapan ni Erliyah yung nangyari na iyon. Siguro medyo awkward nga naman kung pag-uusapan pa namin.

"Ah iyon? Hindi naman masyado." sagot ko.

"Ate pretty is here na." sabi ni Theo kaya napatingin ako sa may hagdan.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon