Chapter 61

6.2K 218 0
                                    

[DRAKE OLIVER SERRANO]

Maaga pa pero naghahanda na akong umalis. 3 days na ang nakakalipas pero hanggang ngayon hindi pa rin nagigising si Kristofer. Nailipat na siya sa isang ospital dito sa Manila. Everyone was shocked nang kumalat ang balita. Many people are sending him foods and such kaya laging puno ang kwarto niya nang pagkain. As for Erliyah she's suspended for 1 week as a disciplinary action for what they've done. Hindi naman siya umangal at tinanggap na lang ito. Sa nakalipas na tatlong araw ay himalang tahimik lang ang buhay naming lahat. Alam kong madami silang tanong. Tanong na kaya kong sagutin pero-- hindi naman dapat sa akin manggaling. Ang sinabi ko na lang sa kanila ay sana wala nang iba pang maka-alam nito bukod sa aming magkakaibigan. Sana naman tinupad nila.

*****
Papunta ako ngayon sa hospital kung nasan nagi'stay si Kristofer. I'm also with Aira kasi sabi niya gusto din daw niyang madalaw manlang ang Kuya Kristofer niya. Nag-aalala daw siya kay Kristofer dahil kahit papaano daw ay kaibigan niya ito. Mabilis naman ang naging biyahe namin. Bumili lang kami ni Aira nang ilang prutas para kung sakaling magising na si Kristofer ay gumawa siya nang salad sa dami nang prutas na nandun -.-

*****
"Oh ang aga mo?" sabi ko nang madatnan namin si Erliyah doon. Mukhang nagulat pa nga siya sa pagdating namin.

She gave me a weak smile. "Wala naman akong klase e. Babantayan ko na lang siya dito hanggang magising siya. Gusto kong magpasalamat at mag-sorry sa kanya." sagot niya. Tumango na lang ako.

Grabe rin naman pala talaga itong babaeng to. Hindi na ako nagtataka kung bakit siya nagustuhan nang magkapatid. Naalala ko tuloy nung first day palang nakuha na niya ang atensyon nang isang Kristofer Monfort Wu. Well, I didn't expect she'll play a big role in his life tho.

"Buti na lang umaayos na rin ang mga sugat mo." sabi ko na lang. Madami rin siyang mga maliliit na sugat dahil sa aksidente. Okay na rin itong si Kristofer lang napuruhan at hindi na nadamay si Erliyah. Paniguradong nag-ala bayani na naman itong kumag na ito kaya ang ending niya sa kama nang ospital. Hahaha!

"Drake... Can I go to the CR? Sasabog na ang pantog ko. Huhuhu!" bulong ni Aira sa akin. Napatawa naman ako.

"Okay." sagot ko.

"Magsi-CR lang ako ah." sabi ni Aira kay Erliyah.

"Samahan na kita." sabi sa kanya ni Erliyah.

Kaya ayun parehas silang lumabas. Mukhang bibili din sila nang pagkain dahil kinuha ni Aira ang wallet ko -.-

Ngayon ko lang natignan nang maayos si Kristofer. Mas mukha na siyang tao kaysa nung mga nakaraan. May bali siya sa braso at may neck brace din siyang suot. May tahi siya sa bandang taas nang kaliwang kilay niya at sa bandang labi niya. May benda siya sa ulo dahil sa sugat niya doon. May ilang sugat din siya sa katawan.

Nakakalungkot isipin na mapupunta siya sa ganitong sitwasyon. Sa totoo lang hanggang ngayon ay nandun pa rin ang awa ko kay Kristofer. He's good but circumstances made him cold. Unti unti na siyang bumabalik pero paano na ngayon? na alam na nang iba ang sikreto nilang dalawa? Sana naman ay hindi ito pagmulan ulit nang isa pang gulo.

[CHASE ENRILE]

After all this time magkapatid pala sila? Paanong hindi ko nalaman? Ni hindi ko manlang napansin... Anong klase ba akong kaibigan?! Tsk! Sana pala inalam ko ang mga pangyayari almost 3 years ago. Para hindi ako nagugulat nang ganito.

"Arghhhhhh!" at napasabunot na lang ako sa sarili ko.

"May problema ba Mr. Enrile?" tanong ni Ms. Sanchez. Sht! Nakalimutan kong nasa klase nga pala kami.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon