Sese & Lele

11.6K 356 3
                                    

[CHASE ENRILE]

Ang boring naman. Andito kami sa tambayan namin ang Library! De joke lang. Andito kami sa theater room papalamig. Hahaha! Kasama ko ang aking mga alagad na di kayang pantayan ang aking kapogian.

"Tara na't umalis dito, baka mahuli pa tayo mga pre! Ayokong mag community service aba!" biglang sabi ni Thunder.

"Wag ka ngang kabado dyan atsaka andyan naman si Kristofer pag nagkahulihan siya lang ituturo natin! hahaha!" biro ko at nagtawanan naman silang lahat.

Katahimikan na naman. Bwisit nung 12 naman kaming magkakasama walang tahimik na sandali ngayon daig pa namin namatayan. Isa isa kong tinignan ang mga pinaggagawa nila. Si Kristofer nagsosoundtrip si Drake naman as usual nakasalpak na naman ang headset niya at natutulog. Si Jester naman may katext malamang mga chikababes na naman nya yan. Si Thunder naglalaro na naman sa iPad niya. Si Sedric ang nakakuha ng atensyon ko aba ang loko ngumingiti mag-isa teka malapitan nga.

"Ano ito? Aba pwedeng pwede ka na palang photographer gaganda ng mga kuha dito ni Lesley ah!" asar ko. Kinuha ko kasi yung cellphone niya ayun pala ang ginagawa ng mokong kaya ngingiti ngiti nagiiscan ng mga stolen shots ni Lesley may nakasimangot habang nasa kotse sila may nakangiti habang may icing sa pisngi may picture din habang kumukuha ng gamit sa locker. Pasadong stalker of the month si Sedric Hun De Mesa!

"Pakialamero. Akin na nga yan!" sabay hablot niya ng cellphone sa akin.

"Pare naman kasi na sa iyo na dati pinakawalan mo pa tapos ngayon hahabol habol ka? tsk!" buyo ni Jester.

"Oo nga naman. Tanga mo kasi bro!" nagulat kami sa pagsali ni Kristofer sa usapan.

"What? tama naman ako. Nasa kanya na nga pinakawalan pa edi tanga nga." sabi ni Kristofer.

"G*go ka Kristofer minsan ka na lang magsalita ganyan ka pa." sagot sa kanya ni Sedric at di naman sumagot si Kristofer.

"Makukuha ko ulit ang puso niya taga niyo yan sa bato." mayabang na sabi ni Sedric at umupo ulit.

[SEDRIC HUN DE MESA]

Mga monggoloid na to ako na naman napagtripan. Epal amp.

"Aalis na ako susunduin ko na si Aira e." paalam ni Drake at isinukbit agad ang bag niya.

"Kayo na ba ni Aira?" tanong sa kanya ni Thunder.

"Hindi pa. Malapit na." nakangiting sagot ni Drake.

"Whoa! that's the spirit man." biro ko.

"Tsh! aalis na ako mga monggol." paalam niya.

"Sige ingat!" ang sabi ng karamihan kumaway na lang ako.

Kakaalis lang niya tapos mayamaya bumalik ulit siya na tumatakbo.

"Oh akala ko susunduin mo na si Aira?" sabi ni Chase.

"Pre takbo may mga security guards sa labas ayokong mag community service dyahe." sabi ni Drake at lahat naman kami nagsiayos at handa nang tumakbo.

prrrrt.... prrrttt ....

"Oras ng klase bakit tumatambay kayo dito?" sigaw ng guard kaya nagtakbuhan agad kami.

"Patay tayo nito! Bilisan niyo ang takbo tapos pag labas natin sa pinto hiwahiwalay agad." sabi ni Thunder umuoo naman kaming lahat sa plano niya

Nagkahiwalay hiwalay kami at kung mamalasin ka nga naman ako yung nasundan ng guard anakng! Kung saan saan na ako nagdadaan pero ayun at nakasunod pa rin siya sa akin hanggang sa napunta ako sa may locker area.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon