CHAPTER 57 (PART 2)

5.9K 225 6
                                    

[KURT MIGUEL SANDOVAL]

Tahimik ang buong crowd dahil sa sunod na pumasok sa entrance.

"Please tell me I'm not dreaming. Please!!!" sabi ni Aliyah na medyo naiiyak pa.

"Y--You're not dreaming angel. It's real." sagot ni Silver sa kanya.

Sabay at magkahawak nang kamay na pumasok si Amiel at Belle. Hindi ko inaasahan na makikita ko pa sila ulit na ganyan. Parehas silang may ngiti sa labi na tila wala silang naging problema noon. Ang saya ko para sa kanilang dalawa.

Dahil may bakante pang upuan sa table nina Erliyah ay doon sila umupo. Hanggang sa makaupo sila ay parang hindi pa rin kami makapaniwala.

"Guys! Stop staring at us. Wala kaming ginawang krimen. Hahaha!" biro ni Amiel.

"Oo nga. Bakit ganyan ba kayo makatingin sa amin?" gatong ni Belle.

"Oh my shizz! Totoo nga. Waaaahhhhh!!!" sabi ni Valerie at napayakap pa kay Thunder.

Natawa ako nang mabilis na humiwalay si Valerie kay Thunder nang marealize niyang nakayakap siya doon.

"W-Whoa! Wait. Anong nangyari? Iexplain niyo nga." sabi naman ni Luis.

"Hindi ba halata Luis?! They are together again. Oh god! I didn't expect it. What a nice start for us." sabi ni Lesley

Sumang-ayon naman kaming lahat sa kanya. Hindi na muna kami nagtanong dahil nag start na ang program. Actually, hindi ako excited sa ball na ito. Dun lang sa mga pagkain ako naeexcite e. Hahahaha!!!

Ngayon naman ay may awarding na nagaganap.

"The best male dresser for tonight goes to...."

"Mr. Thunder Huang!" as expected from the fashion king. Tumayo naman siya at tinanggap ang award.

"The best female dresser goes to...."

"Ms. Lesley Shane Cabrera." halatang nagulat pa siya. Hahaha! Kinantyawan tuloy namin siya. Agad naman niyang  tinanggap ang award at bumalik din sa table nila.

"The couple of the night is...." May hula na ako. Malamang sila na iyon.

"Mr. Amiel Lay Sy and Ms. Belle Marie Tolentino." malakas na cheer ang nangyari nang magkahawak kamay na tinanggap nila ang award.  Akalain niyo yun? Posible pa pala? After ilang buwan na walang pansinan, iwasan at sakitan. Mukhang nagka-ayos na din sila.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon