Chapter 20

11.7K 328 22
                                    

[THUNDER HUANG]

"Oh! Hati na yan ah. Ayan na ang gagawin mo." sabay abot ni Valerie sa akin ng libro namin sa Chemistry.

"Teka? Ano to? By pair dapat! Ang daya mo ha? Anong malay ko kung dinadaya mo na ako sa hatian ng gawain." angal ko kaso umirap lang siya sa akin. Tss! Bakit ba ang sungit nito? Oo alam ko masungit na siya dati sa akin pero ngayon triple na ata ang sungit niya sa akin at hindi ko nagugustuhan iyon. Nag iba na siya ngayon. Hindi katulad ng dati na nakikipagbangayan pa siya sa akin. Ngayon pag nangungulit ako hihinga lang siya ng malalim, iirap at aalis na. Nakakaasar kasi ayun na nga lang ang paraan ko para makalapit at makausap siya hindi ko na magawa ngayon. Tss.

"Tingin mo ba dadayain kita? Hello! Grades nating dalawa yan hindi ko ipagkakatiwala ang grades ko sa'yo. Kung hindi nga lang kailangang by pair gagawin ko yan ng mag-isa." pigil na inis na sabi niya sa akin.

"Tsh. Sungit mo sa akin hmp!" naka pout kong sabi. Hindi ko na napigilan eh kasi naman si Valerie e. Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa kanya. Hindi ko naman siya matanong kung bakit, kasi umiiwas siya palagi sa akin. Kagaya kunwari kapag tapos na ang klase agad siyang tatakbo sa kumpol nina Luis syempre hindi ko na siya malalapitan dun dahil nahihiya ako.

"Ewan ko sa'yo!" at tinalikuran na ako.

"Hoy! Hindi na kita maintindihan babae ka. Anong bang ginawa ko sa'yo?" inis kong sabi.

"Wala. Manahimik ka dyan. Wag mo akong pakialamanan. Wag mo akong kausapin." sabay tumayo siya at nagpaalam na lumabas.

"Sir pwede po bang lumabas? May naiwan po ako sa kotse ko." paalam ko naman. Kung hindi siya makausap ng matino sa loob ng room. Baka sakaling kapag nasa labas kami ay magsalita na siya.

"Bilisan mo Mr. Huang at tatapusin niyo pa yung activity." pagpayag ni Sir.

Agad naman akong lumabas. Saan kaya pumunta yung babaeng yun?

"Ah miss. Excuse lang may itatanong lang sana ako." sabi ko dun sa kumpol ng babae sa labas ng room namin.

"Sa- sa a-amin po? A-ano po iyon?" sabi nung isa na hindi ko maintidihan kung bakit ba siya nauutal?

"Kilala niyo naman siguro si Valerie Cruz no? Nakita niyo ba siya kung saan pumunta?" tanong ko.

"Ah si Ms. Perfect po? Sa CR po doon oh." turo nila. Ms. Perfect? Haha! Bagay na bagay sa 'fashion prince' ng MIS no? Sino kaya yun? Hahaha.

"Thank you." at umalis na ako sa kumpol nila.

Tumayo na lang ako dun sa gilid ng Cr. Tsh! Pinagtitinginan pa tuloy ako -.-

"Ay Patatas! Anong ginagawa mo dyan Thunder?" sigaw ni Valerie sa akin siguro ay nagulat siya dahil sinundan ko siya.

"Inaantay ka. May sasabihin kasi ako." mabilis na sagot ko. Nakita ko namang umirap siya.

"Hindi ba makapag-iintay yang sasabihin mo? Tsh." sabi niya at naglakad palayo.

"Hindi e." sagot ko kaya hinabol ko siya at binuhat ko siya na parang sako. Gets niyo? Yung ulo niya nasa may bandang likod ko.

"Waaah! Waaaah! Thunder. Thunder ibaba mo ako. Nakakahiya Thundeeeeeer~" puro hampas sa likod ang natanggap ko tapos sipa pa ng sipa. Tsh! Lalo lang kaya kaming pinagtitinginan dahil sa pagsigaw sigaw niya -.-

"Thunder!!! Saan mo ba ako dadalhin? Bwisit ka! Wala tayong activity kay Bernal. Ano ba! Hoy!!!" patuloy niyang sigaw pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Dinala ko siya dun sa may maintenance bldg. Kasi walang masyadong tao dun at makakapag-usap kami ng maayos.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon