[BELLE MARIE TOLENTINO]
"Aba?! Bakit hindi ka nagrereview?" tanong sa akin ni Cleo. Katabi ko kasi siya while everyone is busy having their 'paspasang review' according to Blake, I'm just playing games on my phone.
"Nakapag review na ako. Tama na iyon." sagot ko.
"Ohhhh! Iba na talaga kapag matalino." biro niya at tumatango tango pa siya. Naging close na din kami ni Cleo kahit papaano. I told you she's nice. Minsan sumasama siya sa akin pero ayaw niya nang sumama kapag kasama ko sina Aliyah kasi na aawkward'an daw siya.
"Belle!" tawag sa akin ni Kurt.
"Oh?"
"Wala ka bang balita kung papasok ngayon si Amielito? Aba start na ng examination week wala pa rin siyang paramdam." sabi ni Kurt. Napaisip na naman ako. Yeah! Up until now. Hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin. Ewan ko lang sa kanila. Namimiss ko na talaga siya. Sisiguraduhin kong kapag nakabalik na siya ay magsosorry talaga ako sa kanya. Naguguilty kasi ako. Nasaktan ko na naman si Lay ulit for nth time.
"Wala siyang nabaggit. Pero itatry ko ulit siyang contact'in mamaya." sagot ko kay Kurt.
"Wag kang masyadong mag-isip nakakabaliw iyon." bulong sa akin ni Erliyah Ngumiti na lang ako. Hindi ko maiwasang mag-isip. Isipin kung ayos lang ba siya, isipin kung galit ba siya sa akin, kung mahal pa ba niya ako.
"Pst! Belle." kalabit sa akin ni Cleo kaya napatingin ako.
"Ano yun?"
"Sino si Amielito? May kaklase ba tayong ganun surname?" tanong niya.
"Haha! Amielito is our friend, Amiel pangalan niya baliw lang yan si Kurt. Siya yung kaklase nating hindi pa pumapasok hanggang ngayon. Sayang hindi mo pa siya nakikilala. Mabait yun, pogi pa." nakangiting sagot ko. Pero parang may nag-iba kay Cleo nang mabanggit ko si Amiel.
"What's wrong?" tanong ko
"Ah?! Wala naman. Magrereview muna ako." at sinimulan na naman niyang buklatin ang libro niya.
****** after 2 hours ******
"Ang sakit ng ulo ko sa test. Nakakaasaaaaaaar!!!!" sabi ni Valerie habang nakaupo kami sa pwesto namin sa may cafe.
"Kawawa ka naman. Samantalang ako easy easy lang sa test. Whooo! Math? Hahaha! Panis sa akin iyon." mayabang na sabat ni Blake.
"Palibhasa naturuan." asar ni Erliyah.
"Syempre ganda ng teacher ko e. Di'ba ma'am Aliyah?" sabay umakbay siya sa katabi niyang si Iyah.
"Yeah!!! damoves!" sabay sabay na sigaw namin except Silver na kanina pa tahimik sa hindi namin malaman na dahilan.
"Yeah! One subject down-- is that Amiel?!" napalingon kaming lahat sa sinabi ni Charlie. Umingay ang lahat ng nasa cafe ibig sabihin may dumating.
It's Amiel with his bright smile. Sa wakas nakita ko na ulit siya. I missed him so much. Naglalakad siya palapit sa amin kaya tumayo na ako para salubungin siya.
"Welcome-- back ..." halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nilagpasan niya lang ako. Pakiramdam ko maiiyak ako dito. Hindi ako sanay na ganun. Nilagpasan niya lang ako! Am I invisible to him now?
"Oy pare kamusta kayo? Kamusta kayong lahat? Namiss ko kayo!!" Dinig kong sabi niya sa iba naming kasama. Hindi ba niya ako napansin dito? Nakatayo ako kanina sa harap niya. I even smiled at him at nakita kong nakatingin siya sa akin nun pero bakit? Bakit nilagpasan niya lang ako?
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?