Chapter 76 (part 2)

6.3K 202 24
                                    

[NICOLE GRACE SAN PEDRO]

Ako ang unang nagising sa aming magkakasama dito sa kwarto, I'm with Aliyah and Erliyah. Medyo late na kami nakatulog kagabi, dahil ang campfire sana namin ay nauwi na lang sa movie marathon. Nung nagseset up kasi kami sa may malapit sa dagat ay biglang umulan ng malakas, kaya nag movie marathon na lang kami. Busog lusog si Kurt, Luis at Blake sa mga pagkain kagabi. Hahahaha! Yung pinanood namin ay yung mga nakakaiyak, naka tatlong movies ata kami, pabatuhan kami ng puso at sino pa ba ang nanalo? Edi si Kristofer, tho umiyak siya ng very very light. Hahahaha! Hanggang sa maka-akyat nga kami ay siya ang tampulan ng tukso. Hahahaha! Si Thunder sobrang nakakatawa dahil mas matindi pa siyang umiyak kaysa kay Valerie. Sina Amiel, Silver at Chase naman tinulugan kami -_- Si Charlie pagkain ng popcorn ang inatupag. Si Sedric, isa ring pusong bato yun pero naiyak rin naman sa bandang dulo. Si Drake at Jester medyo carried away din sa movie, sila yung mga beastmode kagabi dahil sa movie, halos isumpa nilang dalawa yung director. Hahaha!
Sina Aliyah, Belle at Lesley ang mga crying ladies kagabi, mga nagkasipunan na ata sila kakaiyak. Sina Erliyah, Valerie at ako... Chill lang dahil napanood na namin yung pinanood namin kagabi eh. Hahaha!

Nagkatakutan pa nga kami kagabi dahil nagkakwentuhan kami ng mga nakakatakot na stories plus ang lakas pa ng ulan kagabi. Badtrip kasi si Thunder eh, siya nagsimula nun, may nararamdaman daw kasi siya sa may maintenance bldg. kapag nag-iisa siya hanggang sa nagkasunod sunod na ang creepy stories nila.

Bumangon na ako, 7am palang pala? Kaya naman pala bagsak pa ang mga kasama ko sa kama nila. Tsk. Di na ako inaantok. Ah! Alam ko na, maglalakad lakad na lang ako sa may tabing dagat, di naman na siguro naulan. Kinuha ko yung shoal ko pati phone, makapagpicture nga ng may mai'post naman ako. Hahahahaha!

******
Bumaba na ako naabutan kong may nakahiga sa may sofa,
"Aga mo ah? Good morning." bati ko, si Jester pala yung nakahiga dun.

Napabalikwas naman siya at naupo, "Nics? Aga mo magising ah. Halika dito." sabi niya at sinenyasan akong tumabi sa kanya. Tumuloy tuloy na ako at umupo sa tabi niya.

Nagulat na lang ako ng yumakap siya, "Bakit?" tanong ko.

"Di ako nakatulog ng maayos, ang ingay kasama sa room si Blake at Charlie. Ang lalakas humilik ng mga gago. Inaantok pa ako." kaya napatawa naman ako.

"Kawawa naman pala ang baby Jester ko. Hahaha!" pang-aasar ko.

"Ikaw bat ang aga mo nagising?" tanong niya.

"Gusto kong maglakad lakad sa may tabing dagat, kada kasi magpupunta kami dito, di pwedeng di ko gagawin yun. Tsaka pang IG na rin. Hahaha!" sagot ko.

"Inom muna tayong kape o gatas bago tayo lumabas." sabi niya. Napataas naman ang kilay ko.

"Sama ka? Kala ko inaantok ka pa?" takang tanong.

"Pwede naman akong matulog mamaya eh, di ko na papalampasin tong pagkakataon na pwede kitang masolo ngayon. Mamaya kung ano ano na naman ang gagawin natin, di na naman kita masosolo." paghihimutok niya.

"Abnormal mo talaga! Hahaha!" sabi ko, inakbayan naman niya ako.

"Mahal mo naman. Haha!" sabi niya.

*******
Naglakad lakad lang kami ni Jester, panay kuha din namin ng pictures. Kwentuhan lang kami tungkol sa mga kalokohan nila noon, susko mga lalaki talaga kung ano anong napagdadaanan. Hahaha!

"Upload ko kaya 'tong picture natin sa website ng school?" sabi ko sabay pakita nung picture naming dalawa.

"Para san? Bahala ka. I'profile picture pa natin eh. Hahaha!" sagot niya sabay tawa.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon