Baking class ♥ (part 2)

11.7K 373 5
                                    

[VALERIE MIKAEL CRUZ]

Ako talaga pinepeste nyang Thunder Huang na yan. Ako ba naman pinagdala ng lahat ng kailangan namin! Argh.

"Hoy! busangot mukha mo dyan." sita sa akin ni Luis.

"Peste kasing Huang na yan e. Di na kami magkasundo." sagot ko.

"Speaking of him. Sige baby girl mamaya ka na lang magkwento balik na ako sa station ko." paalam niya andito na kasi kami sa may baking room. Ang partner ko naman ay late na at kung makalakad pa siya akala mo may fashion show buti na lang wala pa yung masungit naming professor.

"Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang ako nagbuhat niyan lahat papunta dito." sigaw ko sa kanya.

"Wow gandang pang good morning nyan ha." sarcastic na sagot niya sa akin. Argh this guy!!!!!!

"Sino ba naman--"

"Mr. Huang Ms. Cruz ganyan na lang ba lagi ang maabutan ko ha? ang pagsisigawan niyo?" sigaw sa amin ni Mrs. Javier at nag ngisian naman ang aming mga kaklase.

"Ikaw kasi. Ang daldal mo pa." bulong sa akin ni Thunder.

"Hmmmm! ako napupuno na sa'yo Thunder gustong gusto na kitang sapakin." sabi ko kaso tumawa lang siya.

"Get all your ingredients, I want your cakes to be ready in 2 hours. Okay?" sabi ni Mrs. Javier bago lumabas ng baking room.

"Teka-- asan, hoy asan yung chocolate? bakit strawberries to." sabi ni Thunder habang hinahalungkat yung mga ingridients namin.

"Tinanggal ko, ako naman nagpakahirap bitbitin lahat ng iyan e." baliwalang sagot ko.

"Ano? pero napag-usapan na natin na chocolate cake yung gagawin natin." asar niyang sabi.

"Nagbago isip ko. Masyadong common ang chocolate cake at wag ka ngang maarte para namang maalam ka mag bake." inis na sagot ko.

No choice siya at inilabas na niya isa isa yung mga ingredients namin.

"Eto gagawin mo. Hiwain mo into 4 tong mga strawberries. Napakadali na nyan Thunder baka di mo pa makuha?" sabi ko sa kanya.

"Alam ko, anong tingin mo sa akin? kaya ko ito gawin kahit nakapikit pa ako." mayabang niyang sabi.

Iniwan ko muna siya saglit at nagbahay bahay ako ng ibang station. hahaha!

"Kurt. Mukhang masarap yan ah!" sabi ko, may future kasi to si Kurt sa mga ganyan e.

"Oo talaga! pero kung gusto mong makakuha ng mataas na grade sa tingin ko kailangan mo na munang bumalik sa station niyo." at ininguso niya sa akin si Thunder na hindi pa nagsisimula maghiwa at hawak lang yung kutsilyo. Agad naman akong bumalik sa station namin.

"Hoy! akala ko ba marunong ka? Tsh!" at inagaw ko sa kanya yung kutsilyo.

"Ma-marunong nga ako, tinatamad lang ako." sabi niya at sumandal sa pader.

"Palusot ka if I know -- awwww!" ang tanga ko naman nasugatan ko sarili ko.

"Shit! wait." nagulat ako sa mabilis na pagresponse ni Thunder sa akin. Agad agad niyang hinila ang kamay ko sa may gripo at hinugasan ito.

"Tsk. di ka kasi nag- iingat e." tapos inihipan niya yung sugat ko.

"Masakit pa ba?" concern na tanong niya na ikinagulat ko.

" Oo ay hi-hindi na pala. O-okay na ako." at binawi ko ang kamay ko sa kanya.

May kinuha siya sa bag niya at mabilis na kinuha ang kamay ko.
" Ako na lang ang maghihiwa." sabi niya habang nilalagyan ng band aid ang sugat ko. Unconciously napatango na lang ako.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon