[ERLIYAH MAE SANTOS]
"Good Morning my ever loving cousin. Bangon naaaa~" teka sino bang? Napamulat ako ng di oras.
"Anong ginagawa mo dito Iyaaaaaaaaahhhhhh?!!!" sigaw ko sa kanya. Anak ng tinapa paano nakapasok yan sa kwarto ko?
"Couz' kumalma ka nga. Ginigising lang kita. Good mooooorning!" puno ng energy na sabi niya. Tokwang yan. Sa pagkakaalam ko kaya yan ganyan e dahil sa 'pagbabalik' kuno ni Silver. Tsk!
"Layas. Layas sa kwarto ko!" sabi ko sa kanya. It's saturday, walang pasok. Kakatulog ko lang kani kanina dahil may tinapos akong basahin na libro. Tapos? Arghhh--
Mabilis naman siyang lumabas. Akala ko nga mangungulit pa e. Agad akong dumapa muli sa kama ko.
Kringgg.. Kringgg..
"hello?"
[...]
"hello?" medyo napalakas ang boses ko. Sino ba ito?
"Tatawag tawag ka hindi ka rin naman pala magsasalita." at ibinababa ko na yung phone. Kaasar! Magigising ka na nga sa maingay mong pinsan may mang titrip pa sa'yo umagang umaga.
Kringg ... Kringg ...
"Ikaw kung mangtitrip ka lang pwedeng wag ako." sigaw ko sa tumawag
[ang aga aga mukhang ang init agad ng ulo mo.] O___O tingnan ko kaagad ang caller ID.
"Cha-Charlie. Hehe~" nakakahiya nasigawan ko si Charlie >__< ..
[Good Morning liit.] dug.. Dug.. Ang aga aga pinapakilig niya ako. Di ko na kailangan ng breakfast. Hehe! Automatic na gumanda ang mood ko dahil sa kanya.
"he-hey! Good Morning din." bati ko.
[mukhang bad mood ka ah?]
"Ah. Oo e! Kasi may nangtrip sa akin kanina e."
[ganun ba! Tsk. Wanna go out?]
'wanna go out?'
'wanna go out?'
"e-eh?" ayan lang ang nasabi ko.
[Mukhang wala ka sa mood. Tara labas tayo pang tanggal sa bad mood mo liit.]
Labas? Ako at siya lalabas? Kaming dalawa lang? Waaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!
"Ah- ah eh?? Haha."
[Liit ano? Wala namang pasok. Sige na please?]
"a-ah?"
[Okay sunduin na lang kita by 10? Bye~] at binaba niya na ang tawag.
A-ano? Lalabas kami ngayon? As in ngayon na?
Erliyah don't panic. Si Charlie lang naman yan. Lalabas lang naman kayo. Lalabas lang naman kayong DALAWA. Kyaaaaah~
"Anong oras na ba? Maaga pa 9:05 pa lang naman.."
[okay sunduin na lang kita by 10? Bye~]
Napabalikwas ako ng pagkakahiga ko. Alas nuebe na at susunduin niya ako ng alas diyes O____O patay! Nagmadali akong lumabas ng kwarto at nagtatatakbo sa buong bahay.
"Aliyah. Aliyah. Asan kaaaaaa?" sigaw ko sa buong bahay.
"Ano bakit ang ingay mo? Kita nang nag momoment yung tao dito e. Ano bang isinisigaw sigaw mo ha?" sabi ni Aliyah na busy sa pagsusulat ng kung ano.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?