Chapter 29

8.5K 249 6
                                    

[CHARLIE PARK]

"Aliyaaaaaaaaaaaah~" sigaw ko sa babaeng kakapasok lang sa room kasama ang pinakamamahal kong Erliyah. Hahaha! Cheesy ko bdtrp.

"Ano? Kailangang sumigaw mister?" sigaw niya. Hmp! Sungit nito bakit kaya?

"Sa akin ka daw sumabay umuwi ngayon sabi ni Blake. Hindi ka daw niya maihahatid ngayon kasi may kakausapin daw siyang importante." tapos parang nag-isip naman siya.

"Ok fine" sagot niya.

Agad kong kinuha yung gamit ni Erliyah. Naayos ko na iyon.

"Charlie? Bakit-- bakit mo inayos yung gamit ko? Nakakahiya." sabi ni Erliyah ng makitang naka-ayos na ang gamit niya. Binders and ballpens lang naman yung inayos ko nahihiya pa siya.

"Tss. Wala yun!" sabi ko sa kanya at ginulo ang buhok niya.

Namula na naman siya. Hobby niya ata ang pamumula which I find it cute. Di'ba kasi parang sign yun na kinikilig? Edi ibig sabihin kinikilig siya sa mga ginagawa ko right? Mwahahahaha!!!

"Sana dinamay mo na din yung gamit ko no?" singit sa amin ni Aliyah.

"Bakit ko naman gagawin yun?" pang-aasar ko.

"Bahala ka. Pinsan ko yang nilalapit lapitan mo. Mamaya sabihan ko yan ng mga sikreto mo tignan natin kung sagutin ka pa niyan. Hahahaha" nanlaki naman agad ang mata ko. Dali dali akong tumakbo papunta sa gamit ni Aliyah at inayos yun.

Nagtawanan naman silang lahat sa ginawa ko. Tsk! Wala naman akong sikretong hindi maganda ah? Ahhhhh! Naloko ako dun ni Aliyah. Di bale papalakas na lang ako sa kanya.

"Ayan ayos na. Late ko na narealize na wala naman akong secrets na hindi maganda. Tsk!" sabi ko sa kanya at iniabot yung bag niya.

"Hahahaha! Thanks Charlie." mapang-asar na sabi niya.

Nag paalamanan na kami. Tapos bumaba na din kami kaagad sa parking area.

"Hindi ko alam kung bakit kasabay ko pa kayong dalawa e. Sabihin mo Charlie panira na ba ako sa moment niyo? Hahahaha" sabi ni Aliyah. Kanina pa yan sa taas. Walang ginawa kundi mang-asar sa amin. Ayun nakatanggap siya ng malakas na hampas kay Erliyah.

"Kanina ka pa ha!" suway niya

"Aray naman. Tsk!" tapos nag make face na lang si Erliyah. Cute!

Ang kulit talaga ng mag pinsan na to'. Siguro sobrang close na talaga nila kaya ganyan silang dalawa nagsasakitan na. Hahahaha!

***

Nakarating na kami kaagad sa bahay nila. Naunang bumaba si Aliyah. Ewan ko dun. Nag thank you lang tapos umalis na.

"uhm? Thanks sa paghatid. See you next week." paalam niya. Yeah! Wala kaming pasok bukas para daw makapag pahinga kami.

Pababa na sana siya ng hilahin ko ulit siya.

"Oh bakit?"

"Tara gala tayo. Wala namang pasok bukas e." aya ko.

"eh kasi ano--"

"please?" tapos nag pacute ako sa kanya ng onti.

Nanlaki naman ang mata niya sabay namula. "O- Osige na nga. A-ano?! Ahm saan ba tayo pupunta?!" iwas tinging tanong niya sa akin.

"Ikaw bahala, let's go." sabi ko at inistart ko nang muli ang kotse ko.

Saan kaya kami pupunta? Kung dalhin ko kaya siya sa mall? Eh nagpunta na kami sa mall last time e. Saa--

"Charlie gusto ko dun." masayang sabi niya kaya nilingon ko yung tinuturo niya.

"Ano?! No Erliyah. Hindi safe dyan." sagot ko. Paano gusto niyang pumunta sa perya!? Eh hindi naman safe yung mga rides dun. Mamaya biglang magsikalasan yung mga yun.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon