[ERLIYAH MAE SANTOS]
"Ang pretty mo lalo Belle. So cuteeeeeeeee!!!" puri ni Nicole kay Belle. Kaming tatlo pa lang ang nasa room. Napaaga kami masyado. Si Aliyah hindi na pumasok dahil dalawang subject lang naman ngayon.
"Yeah. Ganda mo lalo baka mas madaming mainlove sa'yo." gatong ko. Nagbago kasi si Belle ng hairstyle. May bangs na siya tapos medyo kinulot yung buhok niya. Mukha siyang barbie doll. *see Belle's new look on the MM*
"Grabe naman tong mga to' Bagay ba talaga sa akin? Si mommy kasi ang may gusto ng ganitong style e." sabi niya tapos inayos ayos yung bangs niya.
"Kulit nito oh! Gusto mo magpasurvey pa ako para lang matahimik ka? Hahahahaha!" biro ni Nicole.
"Ay. Yung libro ko pala hindi ko nakuha kahapon. Kukunin ko lang sa locker ah." paalam ko sa dalawa.
"Samahan ka na namin?" sabi ni Belle.
"Wag na. Baka madiscover ka pa e. Hahahaha!" biro ko tapos nag pout naman siya.
Locker Area ...
"Transferee ba yung nasa cafe?"
"May pogi sa may cafe. Sino kayang inaantay nun?"
"Ang pogi niya. Para siyang model."
Mga tao talaga dito basta pogi at maganda laging laman ng usapan. May transferee nga kaya? Ay sabay ganun Erliyah? Hahahaha
"Eros daw pangalan e. Pati pangalan ang pogi. Emgee!"
Eros? Nice. Kapangalan pa pala ni Kuya. Nako! Bigla kong namiss yung kuya ko. Kamusta na kaya yun? Badtrip hindi man lang sumasagot sa mga chat ko pati hindi rin nag-oonline sa skype. Ano kayang pinagkakaabalahan nun ngayon? Nakalimutan na ata niyang may kapatid siyang maganda dito sa Pilipinas.
"Girls. Alam ko na buong pangalan niya!!!"
"Ano? Bilis. Search natin kung may girlfriend."
"Eros Maxwell Santos"
Nahulog ko ang mga libro ko. Eros? Maxwell? Santos? Si Kuya nandito?
"Miss Erliyah ayos ka lang. Girls tulungan natin siya." tapos tinulungan nila akong pulutin yung ilang papel at libro na nahulog ko.
"May I ask. Asan yung Eros Maxwell Santos? Sorry nag eavesdrop ako sa inyo." tanong ko.
"Ah okay lang po iyon. Nasa may cafe po. Sa katunayan andaming tao dun ngayon dahil sa kanya." sagot nung isa.
"Thanks." at kumaripas na ako ng takbo.
Si Kuya nga kaya iyon? There's only one way to find out.
Cafe ...
Andaming tao -,-
"Uhm. Excuse me but I'm looking for Eros yung pinagkakaguluhan nila. Do you know where he is?" tanong ko sa mga babaeng nakatalikod sa akin.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?