Chapter 19

13.4K 341 17
                                    

[NICOLE GRACE SAN PEDRO]

Sunday Morning is so boring -.- Walang kausap! Walang kasama. Walang magawa.

"Ma'am Nicole ako'y aalis na at magsisimba pa kami. Naipagluto na kita ng tanghalian. Babalik na lang ako bukas ng umaga." paalam ni Manang Josie. Yung katiwala namin. Day off niya pala ngayon? So home alone nga talaga ako?

"Sige po. Mag-iingat kayo ay wait lang po manang." at tumakbo ako papunta sa kwarto ko.

"Eto po para kay Zelo at Zyla!" Bigay ko kay manang ng mga laruan na nabili ko para sa mga apo niya.

"Aba iha salamat. Nag-abala ka pa. Sige makakarating ito. Una na ako mag-iingat ka dito ha? Kung aalis ka naman ay huwag kang magpapagabi." tumango naman ako kay manang bilang tugon.

Pagka-alis ni manang. Nagpatugtog lang ako ng malakas sa bahay. Psh ang boring dito! Kung nagtatanong naman kayo kung nasan ang mama at papa ko nasa America sila of course because of business etc. Minsan lang sila umuwi dito dahil kailangan daw sila ng mga kompanya dun. Minsan nga nagtatampo na ako pero alam ko namang para sa akin din iyon. Ano kayang pwedeng gawin ngayon?

Tinext ko ang buong tropa.

"Yow! Gala tayo? Ang boring dito." Sent✔

Maya maya lang isa isa na silang nagreply

From: Blake Benitez
Wrong timing ka. Kasama ko si Naschielle e. Next time sister mwah :*

Bading ni Blake kadiri. Ewww!

From: Lesley Cabrera
Nakakatamad.

Anong aasahan ko sa kanya?

From: Aliyah Madrid
Tsk. May volleyball practice kami remember? Mamayang hapon pa ang tapos nito.

From: Amiel Sy
Nasa out of town ako. May seminar akong kailangang puntahan. I'm sorry Nics bawi ako next time :)

The good son. Bow!

From: Erliyah Santos
Sorry Nics nasa coffee shop ako ni Tita Madel. I'm helping her for today.

From: Valerie Cruz
Kaya mo na yan mag-isa. Ingat hahahah! :)

Psh. Ang sweet!

From: Charlie Park
May meeting ang Student Council ngayon. I can't come. Sorry Nics!

May upcoming event?

From: Silver Kim
May training ako ngayon. Ingat ka na lang kung sino man ang isasama mo. Enjoy! :)

From: Luis Chua
Hmp. Sayang may practice kami ng soccer ngayon ;(

From: Kurt Sandoval
I'm sorry Nics. Baby sitter ako ngayon ToT

Ayy. Kawawang Kurt. Hahaha!

From: Belle Tolentino
May meeting Student Council mamaya. I can't come. Try asking the casanova. Hahaha! jk :) loveyou!

Mga walang kwenta! Joke! Ano ba yan wala pang pwedeng makasama.

'Try asking the casanova'

Tsh! Si Jester na lulubog lilitaw ang peg. Nakakaasar yung lalaking yun. Nung mga unang buwan ng klase ay ang hilig mangulit, mang-asar. Ngayon naman hindi na nagparamdam mula nung tinulungan niya kami sa sayaw. Ewan ko ba dun kung trip niya lang talaga ako o ano. Buti na lang at hindi ako nafall sa mga pa sweet sweet niya noon.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon