[BLAKE HARPER BENITEZ]
"Benitez ano?! Nanginginig ka na?! Hahahaha." asar sa'kin ni Silver. Nagtawanan naman sila.
Bakit ba kasi nakipag-dare pa ako?! Si Luis lang dapat to e. Naglalakad kami papunta sa bungee jumping area dito sa camp site. Nakakasar! Sino ba naka-isip na maglagay nang ganun?
10am pa daw ang start ulit nang team bldg. kaya may 2 hours pa kami para gawin ang mga gusto naming gawin o itry ang iba't ibang activities na nandito. Kaya eto kami naglalakad na papunta sa kamatayan ko. Haaaay!
"Bakit di ka na nakapag-reply kagabi?" dinig kong tanong ni Charlie kay Em. Ahhh! Kaya naman pala nagpapakapuyat si Charlie kagabe ay dahil katext si Erliyah.
"H-Ha? A-Ah. K-Kasi... N-Nakatulog na ako. S-Sorry." sagot ni Erliyah.
"Weh?! Eh bakit parang nadinig ko na may kausap ka pa kagabi?" singit ni Aliyah. Nanlaki naman ang mata ni Erliyah, tapos napansin ko yung ngiti ni Kristofer. Magka-usap sila kagabi? That's odd.
"W-Wala kaya! Nanaginip ka lang siguro." sagot ni Erliyah tapos nagkibit balikat na lang si Aliyah.
"Ayan na Blake yung bungee jump. Waaaaaah!!! Ang taas pala niya... Cool~" sabi ni Chase.
Tngina! Ang taas nga tapos tubig pa ang babagsakan. Ikamamatay ko nga iyan. Tulungan niyo akooooo ToT hinahanap niyo ba si Luis?Ayun nagmamakaawa kay Silver na ibahin na lang yung dare. Walang puso yan si Silver pagdating sa kalokohan kaya di na ako umaasa na babaguhin pa niya iyon.
[BELLE MARIE TOLENTINO]
Hindi ko alam kung maawa ba ako o matatawa sa mukha nina Blake at Luis. Grabe talaga! Ang priceless. Hahahaha! Lalo silang napilitang tumalon dahil madami ang naka-alam na ita'try nila ang bungee jump so... Ang mga die hard fans nila ay nandito. Nakakahiya naman kung hindi pa nila gagawin di'ba? So sa ayaw nila o hindi ayun umakyat sila sa taas.
"Go Blake!!!!" cheer namin sa kanya, ganun din ang ilang tao dito.
Siguro kung nandun kami sa taas. Kung ano ano na ang pinagsasabi ni Blake at Luis. Hahahahaha! Hindi ko alam kung anong usapan nila at nauna si Blake. Hahaha!
Nabigla na lang kami sa malakas na sigaw no Blake. Tumalon na pala ang loko.
"Waaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!! Tulungan niyo akooooooooo~" sigaw niya tapos ayun nag-sway sway na siya sa ere. Cool pero hindi ko yan gagawin. Hahahaha!
Halos nanginginig na bumalik sa amin si Blake. Ang putla nga niya tapos parang lutang pa. Kaya ayun tampulan siya nang asar nang ibang boys lalo na si Aliyah na halos hindi na makahinga kakatawa sa sinapit ni Blake.
Sumunod naman si Luis at ang loko halos mapaluhod na dun sa taas sa takot. Nakakatawa, ang bakla tignan ni Luis. Matapos ang ilang oras na pilitan ay tumalon na si Luis.
"Wooooooooooh!!! Ako si Superman!!!" sigaw niya habang nagsi-sway sa ere.
Nang makakaba siya ay medyo chill naman siya di katulad ni Blake na halos lupaypay na.
Nagkakantyawan naman kung sino ang susunod na tatalon.
"Ayoko. Wag niyo akong isali." agad na sabi ko.
"Hey! Unfair! Lahat dapat sumali. Game of chance nga e." sabi ni Valerie na game na game. She's adventurous kaya siguro okay lang sa kanila.
"Don't worry nandito naman ako." bulong ni Amiel sa akin.
Kaya no choice ako kaya sumali ako. And to my luck. Ako ang natalo sa game of chance so I need to try that bungee jump. How lucky!
"Sasamahan ko siya." sabi ni Amiel.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?