[AMIEL LAY SY]
"Pass your papers at the count of 5!"
"Ma'am!!!!!"
"5."
"4."
"Amiel, ipasa mo na! Wala na tayong pag-asa. Hahaha!" sabi sa akin ni Jester kaya tumayo na rin ako at tinigil ang pagpapanggap na may maisasagot pa ako. Hahaha!
Finals na namin ngayon, ang bilis no? Haha! Ganun talaga. Isang buwan na halos ang nakakalipas mula nung foundation week namin. Isang linggo na lang ang pasok namin at 2nd year college na kami ay joke! Bakasyon pala muna. Hahahaha! Oh di'ba? Natapos ang isang taon sa college na parang magic! Hahaha!
Sa lahat ng nangyari sa amin, masaya man o hindi, nagpapasalamat ako. Kasi dahil sa mga nangyari nabuo ulit kami. Buo na as in buo na ulit, nung simula mga hindi pa kami nagpapansinan pero ngayon? Eto balik na naman kami sa dati, parang nung mga highschool pa lang kami.
"Pre! May nasagot ka ba?!" tanong sa akin ni Thunder.
"Oo naman!" sagot ko.
"Talaga?! Paksyet ako lang ata di nakasagot ng maayos ah." asar na sabi niya kaya natawa ako.
"Pero di ko sigurado kung tama yun! Mwahahahaha." dagdag ko kaya parang nabuhayan siya.
"Sure ka ha? Nanghula lang ako dun eh. Hahaha!" sabi niya.
"Oo. Hahaha!" tas nag-apir kami.
"Hoy kayong dalawa! Lapit dito!" sigaw sa amin ni Silver.
Eh? Anong meron? Meeting? Agad akong tumabi kay Belle.
"Ano meron?" tanong ko.
"Ewan ko. Haha! Musta test?" tanong niya, di kasi kami magkatabi. Di tuloy ako nakakopya. Joke!
"Ayun... Ayos lang." sagot ko tapos tumawa naman siya.
"Hay nako Amiel!" sabi na lang niya.
"Anong oras na ba?" biglang tanong ni Aliyah
"Sum--" napatigil si Blake ng tignan siya ng masama ni Aliyah.
"Subukan mo Blake sumagot ng summer time at gayahin yung nasa highschool musical, mabubugbog talaga kita." banta ni Aliyah.
"Ahehe! 10:45 na." sagot ni Blake sabay tago sa likod ni Silver. Nagtawanan tuloy kaming lahat. Wala pala si Blake kay Aliyah eh! Hahahaha.
"Bakit ba tayo nagtipon tipon?" tanong ni Kristofer.
"Wow! Big words Kristofer? Tipon tipon? Hugot sa baul ah! Hahaha-- Ay Joke lang." sabi ni Chase ng mapansing sinamaan na siya ng tingin ni Kristofer.
"Ganito kasi, vacation is almost near, isang linggo na lang. Yung iba sa inyo malamang may out of town, like Erliyah, she's staying sa Canada buong bakasyon, Aliyah will be staying in America with Tito and Tita. Si Thunder, madaming gagawin this vacation. Ako? Pupuntang London para makatulong kay Mommy. Kaya naisip ko na bago manlang tayo maghiwahiwalay, mag-outing ulit tayo! Kahit siguro sa rest house ulit namin sa Batangas? Sulitin nating buo pa tayo. What do you think?" sabi ni Silver.
"Masaya yan! Hindi kami nakasama nung last sem eh! Kasi di'ba away away pa tayo nun? Pero ngayong buo na ulit tayo mas masaya na!" sabi ni Jester.
"Oo nga!!! Basta sagot mo ulit foods, Silver." singit ni Kurt.
"Patay gutom talaga nito ni Kurt tsk!" sabi ni Drake.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
TienerfictieDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?