[BELLE MARIE TOLENTINO]
1st sem is almost done, ilang weeks na lang ang ipapasok namin and hello 3rd year 2nd sem na kami. Oh yes! We're surviving school. Hahaha!
"Charlie! Tuloy ba tayo?" tanong ko habang nag-aayos ng gamit ko.
"Yep. Mas okay na ngayon na natin asikasuhin yan kaysa sumabay sa finals week." sagot niya na nag-aayos na rin siya ng gamit niya.
"Where are you going?" Kurt asked.
"Pupunta kaming mall. May ilan kasi kaming bibilhin for the SC room's renovation. Yung mga designs and furnitures ganun." sagot ko. Matagal na nung huli kaming nag'renovate ng SC room kaya naisipan namin ni Charlie na mag'renovate na habang hindi pa kami ganung ka busy.
"Punta kayong mall? Can I tag along? May bibilhin din kasi ako eh." Erliyah said.
Tumango naman ako, "Okay lang, kaysa kaming dalawa lang ni Charlie magbabaliwan dun, makisali ka na. Hahaha!" biro ko.
Gusto nga ring sumama ng iba kaso may mga gagawin sila kaya hindi na sila tumuloy. Yep, they're being mature na. I'm sooooo proud of them. Hahaha!
Hinahanap niyo ba si Amiel? He's been absent for 3 days, why? His father asked him to be the representative of their company sa isang seminar sa Korea.
Mamayang gabi pa siya uuwi at kaming tropa ang susundo sa kanya. Ang sweet namin noh? Hahaha!
Nagulat ako ng biglang nag'vibrate ang phone ko, it was Amiel and he's video calling. "Guys! Si Amiel, video call." sabi ko kaya lahat sila ay nagpunta sa akin. I accepted the call.
"Annyeonghaseyo~" bati niya mukhang nasa hotel na siya.
"Drop the anongsayo, kamusta ka dyan pre? Madaming chikababes?" sabi ni Blake. Binatukan naman ni Drake si Blake.
"Wala ka talagang kwenta kahit kelan, Blake. Tsk!" sambit ni Drake. Hay nako! Mag-aaway na naman silang dalawa -_-
"Amiel!!! Yung pinabibili ko sa'yo ah? Yung mga poster!" sabi ni Luis.
"Eh? Posters ng ano? Kelan ka pa nahilig sa mga korean chuchu?" takang tanong ko.
"Hindi naman para sa kanya yun eh, di'ba Luis? Hahah!" singit ni Erliyah.
"Ahhh. Kay Fallon." sabay sabay naming sabi.
"Iniiwan na talaga tayo ni Luis sa ere. Awtsu!" sabi ni Blake.
"H-Hindi ah!" agad niyang tanggi.
"Eh kanino? Sa'yo? Don't tell me nabakla ka na at ididikit mo lahat ng posters na ipinabili mo sa kwarto mo?" pang-aasar ni Sedric.
"Ah guys? Nandito pa ako." biglang sabi ni Amiel kaya napatingin kaming lahat sa kanya at nag peace.
"Kamusta kayo dyan? Inaalagaan niyo ba ang lovergirl ko?" sabi niya. Ramdam kong namula ako sa tanong niya.
"Don't worry, yung LOVERGIRL mo pa nga ang nag-aalaga sa amin dito eh. Hahaha!" sagot ni Nics and she even emphasized the word 'lovergirl' -_-
"Kamusta ka dyan? How's the seminar?" tanong ko.
"Okay lang, as usual boring ang seminar. Tsh. Tinutulugan ko na nga lang eh. Haha!" sabi niya.
"Loko ka talaga!" we said in unison.
Tumawa naman siya, "Bukod kay Belle, madami ba akong namiss? Ano ng topic niyo kay Ms. Perez?" sabi niya. Bakit ka banat ng banat itong si Amiel ngayon? Buti sana kung kaming dalawa lang kaso hindi, dinig ng buong tropa at malamang pagtitripan na naman nila ako mamaya -_-
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Novela JuvenilDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?