Chapter 70

6K 205 46
                                    

[CHASE ENRILE]

"ANDYAN NA SILAAAAA~~" humahangos na sabi ni Luis.

"Oh pwesto na dali!!!" sigaw ni Amiel. Lahat kami ay nagpunta banda dun sa may pinto.

Ilang sandali lang....

Boom... Plaakkk... Splaaaak...

"Maligayang bati sa inyong pagiisang puso!!!!" sigaw namin with matching party poppers and confettis pa. Hahahaha!

Tawang tawa kami sa gulat na reaksyon ni Thunder at Valerie. Yung mukha ni Thunder pfft! Munggago. Hahahaha!!!

"A-Ano to?" tanong nila.

"Dahil sa wakas natapos na rin ang denial stage niyong dalawa. Finally!!! Kayo na rin. Yehey!!!" sabi ni Erliyah.

"A-Alam niyo na? P-Paano..." at tumingin siya kay Thunder. Napakamot na lang sa batok si Thunder.

"Eh sa excited akong ipaalam sa kanila eh. Tinext ko silang lahat kagabi. Sorry na." lambing ni Thunder. Yuck?! Nakakasuka pala -.-

"Yep. Yep. Yep. Tinext niya kami at nangako siya na sagot daw niya lunch natin ngayon!!!! I'll eat well!!" masayang sabi ni Kurt palibhasa libre pagkain niya mamaya. Hahaha!!!

"Yes naman oh?! Ayaw magbitaw ng kamay. Yiiiieee!!!" asar ni Lesley. Kaya nanlaki ang mata nung dalawa tas namula.

"Maraming salamat sa pagpapatunay ng the more you the more you love. Kayong dalawa ang living proof. Hahahaha!!!" pumapalakpak na sabi ko take note: Slow clap yan. Hahaha!

"Alam ko na gagawin ko kapag nagkagusto ako sa babae. Mwahahaha!!! Tatapunan ko ng juice. Hahahaha!!!" biro ni Blake kaya nagtawanan kami.

"Baka pwede na tayong umupo no? Nakaharang kasi tayo sa daan. Tss." sabi ni Kristofer. Aishh! Kahit kelan talaga ang lala ng sumpong nitong si Lolo.

Naupo na kaming lahat pero nakapalibot pa rin kami kay na Valerie at Thunder. Syempre, hot seat na ito!!! Mwahahaha~
Tngina! Binata na si Thunder, naunahan pa ako. Hahahaha!! Kanya kanyang kantyawan at asaran ang ginagawa namin. Yung dalawa tila mga kamatis na sa pula. Ang kukulit kasi ng mga tanong nila puro kalokohan lalo na si Jester at Luis. Hahaha!

"Tama na chismisan dyan. Back to your seats." para naman kaming transformers at nagsipag-ayos ng upo nung pumasok si Ma'am. Aish! Balak ko ng mag ala Boy Abunda eh! -.- Mamaya na nga lang habang nagla'lunch kami... NA LIBRE NI THUNDER. YUHOOOO~~

[ERLIYAH MAE SANTOS]

Busog na busog ako I mean lahat naman kami. Nilibre kami ni Thunder ng lunch and guess what... sa buffet restaurant niya kami nilibre. Sobrang saya nga ni Luis at Kurt nang makapasok kami eh! parang kumikinang ang mga mata sa dami ng pagkain. Hahahaha. Puro lang kami kulitan, biruan, at asaran kanina. Nakakatuwa lang talagang isipin na nagkatuluyan si Valerie at Thunder. Witness ako ng world war III nila at akala ko wala talaga silang pag-asa pero mapaglaro nga talaga ang tadhana. You can never tell what will happen next. Really.

Kringgg.. .. Kringgggg....

Napataas ang kilay ko. Si Blake? Magkasama lang kami kanina ah? Anyway, baka may sasabihing importante to kaya sinagot ko.

"Yes?"

[San ka? Bigla kang nawala?"]

"Ah. Sorry. Nandito ako sa may locker area. Kukunin ko yung libro ko para sa next subject. Bakit?" tanong ko.

[Ahhhh... Nandito kami ni Drake sa garden. Punta ka dito dali. May pag-uusapan tayo.] sabi niya. Napabuntong hininga na lang ako.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon