[LUIS HANZ CHUA]
'Maiba taya!'
'Pwahahahaha! Bye, Luis!'
******
It's quarter to 9 in the evening. At nandito ako sa labas ng classroom nina Kristofer. Siguro naman magpapalabas na yung prof. nila noh? Tsk.Sumandal na lang ako sa may pader at kinuha ang cellphone ko. Badtrip na buhay to. Tsk!
Biglang nagbukas yung pinto ng classroom nina Kristofer kaya lumapit na ako, kaso isang babae lang ang lumabas.
"Ah, miss? Hindi pa--" napatigil ako ng mag angat ng tingin yung babae.
Dug... Dug...
"Ano yun? May kailangan ka?" tanong niya.
"Pagmamahal. Kailangan ko ng pagmanahal mo."
"Pinagtitripan mo ba ako?!" inis niyang sabi kaya nagising ako. What the fck?! Anong sinabi ko?! Pagmamahal?! Major turn off, Luis. >_< .
"H-Hindi, miss. A-Ano kasi--"
"Aish. Ewan ko sa'yo." at tinalikuran niya ako.
"Wait, Fallon!" tawag sa kanya ng isa pa nilang kaklase.
"Fallon ang pangalan niya?" tanong ko dun sa isa pang lumabas.
"Ah, oo. Bakit?" tanong niya.
"W-Wala lang. Nandyan pa ba si Kristofer sa loob?" pagiiba ko ng tanong.
Tinignan muna niya ako na parang nagtataka,"Oo, pero may prof pa kami eh. Maya maya pa yan magdidismiss." sagot niya.
"Ganun? Sige, salamat." sabi ko at umalis na yung kausap ko.
*******
"Fallon. Fallon. Fallon." paulit ulit kong sambit para hindi ko makalimutang itanong mamaya kay Kristofer.Lumabas na yung prof. nila at ilang sandali lang ay naglabasan na rin sila.
"Kristofer!" tawag ko ng makita ko. Lumapit na ako sa kanya, sa kanila pala dahil may mga kasama siya.
"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong niya.
"Bakit andaming dumadalaw sa'yo ngayon? Mamatay ka na ba? Hahaha!" sabi nung isa niyang kasama.
"Guys! This is Luis Hanz Chua, isa sa pinaka mongoloid na kaibigan ko. Lagi kasi siyang busy kaya ngayon niyo lang nakita." pakilala sa akin ni Kristofer sa mga kasama niya.
"Ah! Nababanggit ka minsan ni Kristofer, kaso hindi ka laging nakakasama kapag nakikita namin yung mga ka'tropa niya galing sa main. By the way, I'm Kyrie." pakilala nung isa. Ngitian ko naman siya. Actually, nadidinig ko na yung mga pangalan nila ayun nga lang di ko pa sila nakikilala in person.
"I'm Elise pero Eos na lang. Ikaw yung captain ng basketball team di'ba?" tanong niya.
Napakamot naman ako sa batok ko, "Ah. Alam mo pala? Oo, ako nga yun." nakangiting sabi ko.
"Kung ako sa'yo tigilan mo yang pag ngiti mo kay Eos ng ganyan." bulong sa akin ni Kristofer. Hanudaw?!
"I'm Kirk, he's Kier. Kambal kami, actually triplets kami. Asan na ba kasi si Fallon?" sabi nung Kirk.
"F-Fallon?" gulat na tanong ko.
"Bakit? Kilala mo ba kapatid namin?" medyo seryosong tanong nung Kier. Kalalaking tao napakasungit parang si Kristofer. Tss.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?