[KURT MIGUEL SANDOVAL]
"By next week midterm examinations na natin. So I'm expecting all of you to review dahil dadaan naman ang long weekends. Okay?" sabi ni Ms. Adele sa amin.
"Yes ma'am!!!" sagot namin.
"Okay class dismissed!" Yuhoooo! Uwian na rin. Makakakain na ako. Heyes!
"Oy pre, intayin mo ako sabay tayong umuwi may kukunin lang ako sa gym. Naiwan ko kasi sapatos ko kanina." tapik sa akin ni Luis at nagtatakbo na. Anubayan -.- ngayon pa napiling magpa intay kung kelan kumukulo na ang tyan ko :(
Naupo na lang muna ako at kinuha ko sa bag ko ang mocha bread na baon ko.
"Last ko na ito." malungkot na sabi ko habang binubuksan ko ito. Madami tayong pinagsamahan mocha bread pero gutom na gutom na talaga ako kaya kailangan na kitang kainin. Babye ToT
"Kurt. Kada subject nakikita kitang kumakain ng mocha bread mo. Yung totoo ilan ang baon mong ganyan? Hahaha!" biro sa akin ni Belle.
"Lima nga lang nadala ko ngayon e. Tapos last na to." sagot ko at sinimulan na itong kainin. Ang sarap talagaaaa *0*
" Gu-gusto *chomps* *chomps* niyo?" alok ko sa iba ng aking mahal na mocha bread. Nag-aayos pa kasi sila ng mga gamit nila ganun. Ako eating pretty lang dito. Whahaha! Wala naman akong aayusin kasi hindi naman ako naglalabas ng gamit haha!
"Wag na baka sa'yo pa lang kulang na iyan e." sagot sa akin ni Charlie. Ba! Kayo na nga inalok e. Edi wag!
"Takaw mo Kurt. Ibang klase na yang katakawan mo. Haha!" gatong ni Blake
"Shattap! Masarap kumain. Pogi ako. Tapos ang usapan!" sabi ko at tumalikod sa kanila.
Pagtalikod ko. Nakita kong nakatingin sa gawi namin si Kristofer? Teka gusto din ba niya ng mocha bread ko? Kaso nung natitignan kong mabuti hindi pala siya sa akin nakatingin. Kaya tumingin ako sa likod ko. Kay Erliyah pala siya nakatingin. Pabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ano yan nagtititigan silang dalawa? Nagkakaintindihan ba sila ng ganyan? Close ba sila? Nakita ko namang bumuntong hininga si Kristofer at lumapit sa pwesto namin.
"Pwede ko bang makausap si Erliyah?" sabi niya sa amin. Nagulat nga kaming lahat. Sa tagal naming di nagkikibuan except nung nagbasketball kami na nag-away pa sila ni Charlie. Ngayon lang siya ulit lumapit sa amin.
"Para san?!" tanong ni Charlie. Nako to' protective kala mo boyfriend. De joke lang! Hahaha
"Si Erliyah ang kakausapin ko hindi ikaw. Kaya hindi ko kailangang sabihin sa'yo." sagot sa kanya ni Kristofer at muling ibinalik ang tingin kay Erliyah.
[ERLIYAH MAE SANTOS]
"Pwede ko bang makausap si Erliyah?" sabi ni Kristofer pagkalapit sa amin. Haha! I won napalapit ko siya. Mwahaha. You're so great Erliyah!
"Para san?!" tanong naman ni Charlie. Hay nako to si Charlie napaka seloso ay I mean napaka uhm? Protective? hihi. Ako na maganda Mwahaha
"Si Erliyah ang kakausapin ko hindi ikaw. Kaya hindi ko kailangang sabihin sa'yo." at ibinaling na niyang muli ang tingin sa akin. Uh-oh! This is bad baka magka-initan na naman silang dalawa kagaya mg dati. Kaya hinila ko na palabas ng room si Kristofer para iwas gulo.
"Ano bang kailangan mo?" tanong ko ng makalabas na kami. Infairness ang daming tao dito sa hallway. Uwian na kasi.
Hinila naman niya ako. Ewan ko kung saan niya ako dadalhin pero nagpadala na lang ako hanggang sa makarating kami sa may secret garden kung saan ko siya unang nakita noon yung akala ko forbidden garden dahil walang tao tapos may madidinig pa akong nag huhum. Nako! Naalala ko naman ang pangyayaring yun! yamot na yamot ako nun kay Kristofer pero kung tutuusin nga ay crush ko ata siya nun dahil ang pogi niya. Mukha siyang anime na buhay kaso masama ang ugali -.-
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?