[CHARLIE PARK]
Nakasakay kami ngayon sa shuttle ng school. Papunta kasi kami sa LSA. Isa sa sister school ng MIS pero hanggang highschool lang ang inooffer nila tapos karamihan ng graduates doon ay sa MIS na tinutuloy ang college nila. Pupunta kami doon para magbigay nang seminar. Yes, dapat nga ay ang SC lang ang pupunta pero pinilit nila ako na isama sila para daw maexcuse na rin sila sa klase para ngayong araw. Hindi dapat ako papayag pero si Erliyah na yung nangulit sa akin kaya wala akong nagawa. Nandito kaming lahat except pala si Amiel na nagpaiwan na lang dahil wala daw makakasama si Cleo. Nagulat ako ng sumama si Kuya I mean si Kristofer dito ang sabi niya kasi 'tinatamad akong mag-aral. Isama mo ako sa pupuntahan niyo'
Kaya umu'OO na lang ako. Hangga't kaya ko gusto kong pagbigyan lahat ng hihinging pabor sa akin ni Ku-- Kristofer. Ewan parang gusto ko atang bumawi sa kanya kahit alam ko sa sarili kong wala naman akong kinalaman sa mga nangyari noon. Sa totoo lang nung nalaman ko na magkapatid kami ni Kristofer ay natuwa ako. Halos ituring ko na siyang kapatid noon and it turns out na kapatid ko pala talaga siya kaya natuwa ako pero hindi naman niya iyon natanggap. Ang sabi ni Daddy sina Kristofer ang una niyang pamilya pero kami daw ni Mommy ang legal niyang pamilya. Naikwento ni Daddy sa akin ang mga nangyari noon hindi ko lang alam kung nasabi rin niya ba ito kay Kristofer.
Flashbacks ...
"Charlie..." nilingon ko si Daddy na nakasilip sa may pintuan.
"Po?" at tinanggal ko yung hawak hawak kong cold compress sa pasa ko. Nasuntok ako ni Kristofer kanina nung nagkita kami sa mall. Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko lang ay parehas naming tinawag na Daddy si Daddy. Mabilis ang mga nangyari, nailayo agad ni Tita Kristina si Kristofer sa akin at nag-sorry tapos nagmadali silang umalis kasama si Kraze. Agad din naman akong tinulungan ni Mommy ng nakita niyang napaupo ako sa suntok ni Kristofer.
"L-Let's go home Arthur." ang tanging sabi ni Mommy.
Nabalik na lang ako sa sarili ko ng naramdaman kong umupo sa tabi ko si Daddy.
"Alam mo ba kung bakit sa MIS ko hiniling na mag-aral ka?" tanong niya at umiling naman ako.
"Gusto ko kasing mabantayan mo ang Kuya mo. Hindi naman ako nagkamali at mismong tadhana na ata ang naglapit sa inyo." Sa totoo lang alam ko na kung ano ang pinupunto ni Papa. Kinutuban na ako kanina pero gusto ko paring masigurado.
"Hindi ko kasi siya madalas makita hindi tulad mo na dito at umuuwi ako sa inyo. Hindi ko rin siya pwedeng makita basta basta dahil magiging malaking issue iyon kapag nagkataon. Galit ka ba kay Daddy?" tanong niya. Again umiling ako. Hindi ko magawang magalit. Siguro kung hindi si Kristofer ang kapatid ko ay nagalit ako pero hindi e. Alam kong madalas mangulila si Kristofer sa tatay niya at ngayong alam na namin na magkapatid kami handa ko namang tanggapin na mahahati na ang atensyon ni Daddy sa aming dalawa.
"Paano po nangyari Daddy? Bakit magkapatid kami?" tanong ko.
"Naging girlfriend ko noon si Kristina ang mama niya. Mahal na mahal ko siya na kahit tutol sa amin ang mga magulang niya ay hindi pa rin kami sumuko. Nagtanan kami at di katagalan ay nahanap pa rin kami ng magulang niya sa probinsya. Dinala nila sa China si Kristina binalak ko siyang sundan noon pero masyadong malalakas ang mga magulang niya at kaya nilang itago sa akin si Kristina. Sa sobrang kalungkutan ko ay pumayag akong makipag-arrange marriage sa Mama mo. Nagsimula kaming dalawa noong una ay di ko makalimutan si Kristina pero habang tumatagal ay napamahal na ako sa Mama mo at ikaw ang bunga ng pagmamahalan namin. Noong isang beses na naglilibot tayo sa mall ay nakita ko si Kristina na may kasamang batang lalaki. Hindi ko pa man siya natatanong alam kong akin ang batang iyon. Hanggang sa hindi na niya naitago sa akin na nagbunga pala ang pagiibigan namin noon at iyon ang si Kristofer. Parehas kayong nasa elementary nun. Nakaramdam ako nang guilt nang mapagtanto kong lumalaki siyang iba ang kinikilala nyang ama yung Daddy ng half sister niya. Nakipag-usap ako kay Kristina na gusto kong makilala si Kristofer." tumigil siya saglit. At tumingin sa akin. Naintindihan ko na ang mga nangyari.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?