[ERLIYAH MAE SANTOS]
Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko, agad ko iyong kinuha, napasimangot naman ako ng iba ang caller ID na nakita ko.
"Uh?" sagot ko at muling humiga sa kama ko. Ang hapdi ng mata ko. Tsk!
'Pumasok ka naman! Last day na! May mini party dito sa room.'
"Tinatamad ako."
'Argh! Pupunta ka dito o susugudin ko si--'
"Fine! Pupunta na ako! Napakagaling mo talagang pinsan kahit kelan. Please take note of my sarcasm." sabi ko at ibinaba na ang tawag.
Nakatulala lang ako sa kisame, was it all just a dream? Yung nangyari nung isang gabi, panaginip lang ba yun?
Flashback...
From: Baba ❤
Let's meet, I'm outside your house. We need to talk. I'm sorry.
Pagkatapos kong mabasa yung text ni Kristofer ay nagpaalam na ako kay Charlie. Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit, kumuha na lang ako ng jacket at isinuot iyon.
"San ka pupunta? Gabi na ah!" sabi ni Aliyah na papasok na sana kwarto niya.
"Si Baba nasa labas." she rolled her eyes. Inis daw kasi siya kay Kristofer.
"Iintayin kita makabalik at sasabihin mo sa akin ang mapag-uusapan niyo. Tutuktukan kita pag hindi mo sinabi sa akin." sabi niya.
Napanguso naman ako, "Napakachismosa mo naman." sabi ko. Inismiran niya lang ako.
"Oo na! Sasabihin ko na! I'm sure narealize na niya ang mga mali niya." sabi ko.
"Erliyah! Dahan dahan lang! Yung paa mo." paalala niya pero hindi ko iyon pinansin at tuloy tuloy na umalis. Hindi naman na ganung kasakit yung paa ko ngayon, naipahinga ko na kasi kahit papaano.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?