Chapter 25

8.7K 267 8
                                    

[THUNDER HUANG]

"Party pa tayoooooo! Whooooo!!!" sigaw ni Jester Nandito kasi kami sa may Galaxy Club. Partying!!!!!!! Yeah.

"Tsh. Sinama sama niyo pa ako dito! Mga monggol!" pagsusungit na naman ni Kristofer.

"Ikaw kung makapagsalita ka akala mo napakalinis mo. Abaaa! Parang hindi ka nag-babar ah." pang-aasar ko sa kanya.

"Tsh! Kasi kung mga nagsisipag isip kayo. Ngayon kayo mag-aaya kung kelan may pasok bukas at hindi lang iyon. Start ng midterms bukas tapos mag-aaya kayo ng ganito?" kung anu ano na ang lumalabas sa bibig ni Kristofer kaya lumapit na si Chase sa amin.

"Hoy! Kristofer kung ano man ang sumasapi sa'yo ngayon. Tigilan mo kami at wag mo kaming idamay dyan sa kabanalan mo o kung ano man yang pinupush mong gawin. Hahaha!" puno ng pang-aasar na sabi ni Chase kaya nagsipagtawanan kami.

"Eh bakit sumama ka pa rin? Naks! Mahal na mahal mo ko pre' I'm so touched." sabi ko

"Tsh. Baliw! Bahala nga kayo!" sagot niya at sumimangot na naman. Ganyan naman yan lagi e. Nagtataka na nga ako dyan. Dati naman kasi hindi yan nagsasalita ngayon aba! Dumadaldal na siya ulit. Yeah! Ulit kasi masayahin talaga dati yan, mapangtrip, mahilig mangbara. ewan ko lang kung anong nangyari kaya yan naging si Mr. Cold guy.

"Nako! Si Kristofer nagiging good boy. Bakit kaya?" may halong pang-aasar na tanong ni Drake. Kaya lahat kami ay napatingin sa kanya * insert hyena's eyes*

"O-ooh? A-ano!? Wa-wala no. Good boy? A-ako? T-tss! Asa!" nauutal utal na sagot niya tapos namumula pa yung mukha niya. Pfft! Bakla. Haha!

"Pre' hindi halata! Hindi halatang nagsisinungaling ka. Dahil dyan! Kantahan si Kristofer." sabi ko.

" Si Kristofer ay umii--" ayun nakatanggap ako ng malakas na batok na nagdulot ng malakas na tawanan sa table namin.

[DRAKE OLIVER SERRANO]

Nandito na naman ang mga monggol sa club KO. Hindi ko alam kung bakit. Basta nag-aya lang si Jester ayan ang ending buo na naman ang tropa. Natutuwa nga ako kasi mukhang masaya silang lahat. Thunder is now smiling di katulad nung mga nakaraan na akala mo ay pinapasan niya ang mundo.

Kristofer is slightly changing nakikisama na siya ulit ngayon, nakikipag-usap, minsan nag jojoke na rin siya which is a good thing. Next is Sedric na sa pagkakaalam ko ay nanliligaw na daw siya kay Lesley but I guess hindi pa yun alam ni Lesley. Hahaha! Chase is enjoying his life as always. Kahit ako ay masaya rin sa tinatakbo ng buhay ko ngayon. Kaso napatingin ako sa gawing likod there I saw Jester's bitter smile while he's looking at us. Tingin ko ay nahihirapan siya ngayon pero hindi niya ipinapaalam sa amin. Walang nakakaalam sa nangyayari sa kanya. Alam ko naman na si Nicole ang dahilan ng pagiging balisa niya nitong nakaraan. Pilitin man niyang sumabay sa trip namin may times talaga na mapapansin mong malungkot siya kahit nakikitawa siya sa amin. Sa totoo lang gusto ko siyang tulungan pero ayaw niyang magpatulong.

"Sir! Ipinapatawag niyo daw po ako?" tanong sa akin ni Anna. Siya yung singer namin sa club. Nasa highschool pa lang siya but I hired her because she really have a nice voice at kaibigan kasi siya ng pinsan kong si Jared. Ang oras lang naman niya dito ay kapag hindi pa ganun kagulo ang mga tao kaya ayos lang na kumanta siya dito.

"Yung kaibigan ko gustong sumenti. Pakikantahan naman oh!" sabi ko at mukha namang narelief siya sa sinabi ko. Teka? Ano bang iniisip nito -,-

"Whooo. Akala ko tanggal na ako sa trabaho ko e. Sure sir! Anong kanta ba? Broken? Inlove? Hindi maka-move on? ano po ba?" sabi niya.

"Insan!" tawag sa akin ni Jared.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon