[KRISTOFER MONFORT WU]
"Kingina Sedric! Pinapunta mo ako dito para lang dyan? Ginagago mo ba ako?!" singhal ko.
"Chill bro! Puso mo. Hahahaha" sabi nilang lahat sa akin. Napapikit na lang ako sa sobrang inis na nararamdaman ko.
"Parang engot naman tong si Kristofer oh! Minsan lang magpatulong si Sedric e." sabi ni Thunder.
"Oo nga pre' minsan lang ako magpatulong. Kapag ikaw ang magpapatulong sa amin sa ganito. Tutulungan ka naman namin e." sabi ni Sedric
"Tangna mo! Di ako kagaya mo. Anong ka'cornyhan naman kasi mga naiisip mo no?! Idadamay mo pa ako." sagot ko
"Tatayo ka lang naman e! Itataas kung anuman ang ipapabibitbit sa'yo. Hindi naman sinabing magsayaw o kumanta ko dun." singit ni Drake
"Tss."
Hindi ko na sila pinakialam pa sa pagpaplano nila. Bahala sila!!! Alam niyo ba kung saan nila ako sinasali? Sa surprise para sa birthday ni Lesley!!! Andaming kaartehang alam ni Sedric e pwede namang batiin na lang niya tapos ayain niyang mag-date edi tapos na ang usapan pero andaming kabaklaan gustong gawin ni Sedric. Balak pa niyang gawin mismo sa school yung 'big surprise' niya kay Lesley edi ibig sabihin madaming makakanood -.- hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa ng ganun. Tss! Hinding hindi ko iyan gagawin taga niyo sa bato.
Brisk.. Brisk ...
[I'll pay you visit. I want you there in your house. Don't you dare hide from me young man. You've been so hardheaded and it's time for you to grow Kris.]
Agad kong binura yung message. Tss! Sinong tinakot niya? Wala na akong pakialam pa sa kanya.
Incoming call: Kraze Marie
"Oh?"
[Kuya! Pinapatanong ni Mommy kung na'receive mo ba daw yung text galing ka--"
"Oo Kraze. Sabihin mo natanggap ko at wala akong pakialam."
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?