[KURT MIGUEL SANDOVAL]
Back to school. Hay kalungkot!!! :( Hindi ko man lang na-enjoy yung long weekends. Hindi kasi natuloy yung kainan na pupuntahan namin ni Luis e. Tsk! Ang laki ng panghihinayang ko dun. Hanggang ngayon dinaramdam ko pa rin iyon. Huhu ToT
"Ang tagal naman ni Miss. Kanina pa dapat yun nandito ah." sabi ni Blake. Tumango naman ako. Ang tagal pati ni Miss nagugutom na tuloy ako. ToT
Pero para may magawa ako. I uupdate ko na lang kayo sa mga nangyayari sa kanila. Mwahahaha. First target: Nicole Grace. Kanina naikwento sa amin ni Nicole yung 'date' daw nila ni Chase. Sabi niya wala namang sinabi si Chase sa kanya na gusto siya nito basta nag-aya lang ng date. Well kung totoo man yun I'm happy for them kilala ko yan si Chase marunong yan mag seryoso kaya panatag ako kung magiging sila man ni Nicole pero sumasagi pa rin sa isip ko si Jester. Kasi nung una si Jester ang lumalapit kay Nicole pero biglang nawala. Eh hindi ko naman matanong si Jester mismo kasi nahihiya ako sa kanya.
Next target: Amiel. Namimiss ko na siya huhu ToT. Eh kasi hanggang ngayon hindi pa rin kami nagpapansinan. Eh sabi nila hayaan daw muna naming makapag-isip isip si Amiel. Kaya no choice ako. Pero sa nakikita ko mukhang nagkakapalagayan ng loob sina Cleo at Amiel. Tss masama to' paano na ang Belle namin? Hayy!
Next target: Charlie. Ayan si lalaking maganda ang takbo ng lovelife pero mas maganda ang takbo ng relationship namin ng pagkain. Hehehe joke! Mukhang nagkakamabutihan na talaga sila ni Erliyah. Kahit ako boto sa kanila e. 'CharYah' for life!!!!
"Ano ba Blake? Hindi mo ba ako titigilan?!" sigaw ni Aliyah. Tapos tawa ng tawa naman si Blake sa tabi niya.
Sila ang next target ko. Yang dalawang yan nagliligawan 'daw' pero ewan ko magulo sila. Kelan pa kayo nakakita ng nagliligawan na ganyan?! Laging may sigawan. Tss!
Sino pa ba? Ah si Valerie. Na ikwento sa akin ni Luis yung pag sspy nila ni Thunder kay na Cleo last week. Mukhang nagkakasundo na ata sila ni Thunder? Nagkakasundo silang mag bangyan. Hahahaha!
Sunod si-- Ayun si Lesley! May problema yan ramdam ko pero sabi niya sa amin hindi pa daw siya ready na sabihin sa amin kaya hindi na din namin siya kinulit. Pakiramdam ko tungkol yun kay Sedric e. Alam naming lahat yung nangyari sa kanila. Naikwento niya sa amin dati. Siguro nahihirapan siya ngayong makita ulit si Sedric.
Sino pa ba? Ah si pareng Silver na hindi pumasok ngayon. Hindi namin alam kung bakit. Hindi rin nagpakita buong weekend o kumontact. So baka mamaya dumiretso kami sa kanila. Mamaya may malala na palang sakit yun hindi pa namin alam. Joke!
Pumasok na sa room namin si Belle. Pinatawag kasi yan sa faculty kanina.
"Wala daw tayong morning classes ngayon kasi may biglaang meeting ang faculty--"
"Yes. Kakain na akoooooo!" masayang sigaw ko.
"Upo Kurt. May mahalaga tayong pag-uusapan." sabi ni Belle. Ayyy?! bakit huhu T3T
"So sa tingin ko naman alam niyo na may mangyayaring event this week. It's about the Prince & Princess MIS. Every section is required to have their representative both male and female candidates. So sino ang gusto niyong maging representative natin?" tanong ni Belle.
Kanya kanya naman silang sabi nang mga gusto nilang maging representatives. Eh paano? Sinong pwede eh halos lahat kami may title ng hawak? Hindi naman pwedeng dumoble e. Sino kaya-- at parang dininig ni Lord ang tanong ko at nakita ko si Erliyah na kakapasok lang ng room namin.
"Siya na lang!" turo ko kay Erliyah na nakayuko pa papasok. Bigla naman siyang tumayo nang maayos.
"Ako? Ang alin?" takang tanong niya.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?