Word War

13.5K 455 16
                                    

[ERLIYAH MAE SANTOS]

Staying here in MIS is not a bad idea. Madami na akong nakilala at naging kaibigan like Belle. Papunta kami sa library sumama siya sa akin e.

"How's your stay here Em?" tanong sa akin ni Belle.

"So far so good, madami na din akong nagiging kaibigan e." masayang sagot ko at pumasok na kami sa library.

"Dito!" kaway sa amin ni Aliyah.

Kaya dali dali kaming umupo dun.

"Buti na lang andito ka Belle, matutulungan mo ako ng bongga!" masayang sabi ni Aliyah.

"Gawin mo yan mag-isa nandito lang ako para makigulo haha!" biro ni Belle at tinignan ang mga pinaggagawa namin kanina.

"Mm. ayos na ito ah? wala namang kailangan pang baguhin. Ok na ito!" sabi ni Belle pagkatapos basahin yung mga report.

"Hay, ganun? edi tama na yan tinatamad na din ako eh!" at niligpit niya ang mga gamit niya.

"Teka? aalis na kayo? " tanong ko.

"Oo, tapos na daw yun sabi ni Belle e. Kanina pa kaya ako nagugutom kain na tayo!" pagyaya ni Iyah.

"Pero kasi, may gagawin kami ni Kristofer e. Ang sabi ko dito na lang namin gawin yung report namin para sa English." sagot ko.

"Si Kristofer na naman ang partner mo? " takang tanong ni Belle sa akin.

"Yeah, sa kamalas malasan." sabi ko at umupo ulit ako sa upuan.

"Mauna na lang kami, ang sungit kaya nun ni Kristofer baka sungitan lang kami pag nakisama pa kami sa inyo at gutom na gutom na talaga ako maawa ka naman sa akin Cous' " sabi ni Aliyah na nagmamakaawa pa. No choice ako pumayag na ako na umalis sila kasi nag-aalburoto na si Iyah.

Inantay ko na lang dumating si Kristofer dito medyo onting oras na lang din naman sa napag-usapan namin kaya dadating na din yun siguro. Nagbasa na lang ako ng libro hanggang sa--

"Hmmm?" Ang lamig. Ang sarap sarap na ng tulog ko e.

"Yah! pahinaan naman ng aircon." sigaw ko kaso may nadinig ako nag-chuckle kaya naalimpungatan ako teka? naka uniform pa ako? Dali dali kong itaas ang ulo ko at dun ko lang napagtanto na nasa library pa pala ako. Nakatingin lahat ng tao sa akin dahil siguro sa pagsigaw ko kanina. Aish kakahiya >_<

"So-sorry!" sabi ko sa mga taong nakatingin.

"Kristofer!" tawag ko sa kanya nasa gilid ko na pala ang monggoloid di pa nagsasalita.

"What?" tanong niya.

"Bakit ngayon ka lang? alam mo bang kanina pa ako nag-iintay sayo dito?" tanong ko sa kanya.

"Tsh. tanong mo sarili mo kung bakit ngayon ka lang gumising!" masungit na sabi niya sabay salpak niya ng headset niya.

Aish!!! Wala akong mapapalang matino dito -.- Hinila ko na siya dun sa may bandang dulong part ng library kasi mas tahimik dun at andun karamihan ng mga kailangan naming libro.

"Simulan na natin." sabi ko pagkatapos kong kunin lahat ng librong kailangan namin take note ako lang ang kumuha prinsipe ata ang kapartner ko kaya ayaw tumayo.

"Daldal mo, pwede naman na gumawa na lang magsasalita ka pa tsk." iritang sabi niya sa akin. Nag make face na lang ako sa kanya.

"Stop tapping your pen." sita sa akin ni Kristofer.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon