Chapter 21

11.7K 302 6
                                    

[BELLE MARIE TOLENTINO]

Tatlong araw ng hindi pumapasok si Lay. Nag-aalala talaga ako ng sobra para sa kanya. Nung isang beses naman kaming dumaan sa bahay nila ay hindi daw doon umuuwi si Lay. Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat. Hindi siya nagrereply sa mga texts ko hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko. Kapag naman iba ang nagtetext at tumatawag sa kanya ay sumasagot siya kaya pakiramdam ko ay galit talaga siya sa akin. Ang sabi nila ay tumutuloy daw muna siya sa rest house nila sa may Batangas pansamantala.

"Belle. Kanina ka pa tinatawag ni Miss." bulong sa akin ni Kurt.

"H-ha?!" at napatingin naman ako kay Miss. Nakatingin na pala silang lahat sa akin. Nasobrahan ata ako sa pag iispace out.

"Ms. Tolentino I've been calling your attention for about 3 times." sabi sa akin ni Miss.

"I-I'm sorry Miss." nakayukong sagot ko.

"Follow me." at kagaya ng inutos niya ay sumunod ako sa kanya.

"Ms. Tolentino bilang ikaw ang presidente ng klase niyo gusto kong sabihin sa'yo na may bago kayong magiging ka'klase." sabi ni Miss habang naglalakad kami. Akala ko nga ay papagalitan niya ako buti na lang hindi.

"Pero Miss kalagitnaan na po ng first sem by next week ay midterms na. Bakit po tinanggap pa rin ang transferee?" takang tanong ko.

"Maganda naman kasi ang records niya. Hindi rin naman ito tumigil. Ang sabi lang niya ay gusto niyang lumipat dito sa MIS agad agad sa di malamang dahilan." sagot ni Miss.

"Tara! Andito siya sa loob." sabi niya at pumasok kami sa Dean's office.

"Good Morning ma'am!" bati naming dalawa ni Miss sa aming Dean.

"You're here Ms. Tolentino. I want you to meet your new classmate Cleo Shanice Montiel." sabay humarap sa akin ang isang babae. Maganda siya at mukha namang mabait. Nakangiti siya sa akin kaya nginitian ko na lang din siya.

"Please, ikaw na ang mag introduce sa kanya sa mga kaklase mo. Maasahan ko ba iyon Ms. Tolentino?" tanong ng Dean.

"Opo naman." sagot ko.

"Okay. You may now go. Enjoy your stay here Ms. Montiel." sabi ni Dean at tumango naman si Cleo.

---

"Hi? Ako si Cleo Shanice Montiel ikaw?" pakilala niya habang naglalakad kami.

"Hi I'm Belle Marie Tolentino." nakangiting sagot ko.

"Your name seems familiar to me-- but nevermind. HAHA!" sabi niya

"Saan kang school nanggaling?" tanong ko

"Ah. Sa Amerika. I've been studying there for about 3 years I guess?" sagot niya.

"Belle wait." napalingon naman ako sa tumawag ng pangalan ko.

"Kys-Kysler?" pilit ngiti kong sambit ng tumigil siya sa harap naming dalawa.

"Saan ka pupunta?" tanong nito.

"Ah. May bago kaming kaklase sinundo ko lang. Cleo this is Kysler. Kysler this is Cleo." pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

"Hi/ Hi" bati nila sa isa't isa.

"Mauna na kami Kys. Baka malate pa kasi kami e." paalam ko.

"Okay. See you later Belle." at humalik siya sa pisnge ko. Nagulat nga ako sa ginawa niya. He's acting weird these past few days. Para bang nanliligaw siya ulit? Pero hindi ko naman na muna iniintindi si Kysler ngayon.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon