Chapter 64

6K 196 9
                                    

[VALERIE MIKAEL CRUZ]

Pasukan na naman. Haaay! Sandamakmak na assignments, projects and schoolworks na naman ang haharapin namin. Naglalakad na ako papunta sa room namin. Actually late na ako sa first class namin pero sabi nila hindi naman daw pumasok si Sir kaya chillin' lang ako. Hahahaha!

*******
"Good Morning people!!" masiglang bati ko pagkapasok ko nang room namin.

"Kasisimula lang nang taon Valerie late ka kaagad. Tsk!" sabi ni Luis sa akin. Nagbelat na lang ako sa kanya.

"Wala naman si Sir e. Kaysa magsayang ako nang oras kahihintay sa wala edi tinulog ko na lang. Hahaha!" sagot ko

"Oh! Buhay ka na pala ulit Kristofer." sabi ko nang makita ko siya.

"Bakit namatay ba ako? Tss." sungit niya.

"Buuuuuuuurn!!! Hahahaha." sabay na asar ni Kurt at Blake. Kaya binatukan ko silang dalawa.

"Sungit pa rin! Unfair ka! kay Erliyah ka lang mabait." maktol ko.

"Baliw ka? Nagsusungit din yang abnormal na yan sa akin." agad na sabi ni Erliyah.

Inilapag ko na yung bag ko sa upuan ko. Napatingin naman ako sa katabi kong upuan... Late din siya? Sabagay, natural naman sa kanya ang ma'late. At mas okay na rin na hindi muna niya ako bwisitin. Hahaha! Bumalik na ulit ako sa kumpol nila at nakipagkwentuhan na.

*****

"Where's Thunder? Wala ba siyang balak pumasok?" tanong ni Belle sa akin. Nagsimula na ang second class namin at walang Thunder na nagpakita.

"H-Hindi ko alam." sagot ko. Alam niyo yung pakiramdam na parang ako rin sa sarili ko nagtatanong kung nasan siya? Tsk. Pasaway nga naman talaga ang lalaking iyon... pero bakit ko ba iniisip yun?! Mas tahimik ang buhay ko kapag wala siya.

Kruu... Kruu...

Ang boring... Nilingon ko si Belle pero seryosong nakikinig siya kay Miss. She's the genius princess after all. Hahahahaha! Ang lalayo naman nung iba sa akin. Haaay! Wala akong makausap. Napatingin naman ako sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Bwisit ka Thunder." bulong ko. Kung kelan kailangan kita tsaka ka wala. Tss.

Kinuha ko na lang ang phone ko at pasimpleng ginamit ito. Sa website na lang ako nang school nagpunta kung san laging may chismis. Hahahaha!

*scroll*

*scroll*

*scroll*

Then an attachment caught my attention. Agad na kumunot ang noo ko nang mabuksan ko iyon. Bakit hindi man lang sinabi sa akin ni Thunder na nasa New York siya? Tss. Okay let me rephrase it... Bakit hindi niya sinabi sa AMIN na nasa New York siya and his having a photoshoot for a magazine? He's a model remember? Pero haller?! Ano ba naman yung sabihin mo sa mga kaibigan mo ang mga nangyayari sa'yo. Tsk! Nakakasar siya. Pinatay ko na yung phone ko at binalik ang atensyon kay Miss.

[LUIS HANZ CHUA]

"Nakita niyo yung napost sa website?" tanong ko sa kanila nang umalis si Miss.

"Napakadakilang chismoso mo talaga Luis kahit kailan." asar sa akin ni Amiel.

"Alin? May bago na naman?" tanong ni Lesley.

"Yep, about Thunder." sagot ko. Sabay tingin kay Valerie.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon