[ERLIYAH MAE SANTOS]
"Em gising naaaaaaaaaaa~" sigaw sa akin ni Aliyah. Yeah Aliyah Mae Madrid my cousin and yeah nasa Pilipinas na ako =_=
"Ayoko pa nga e!" sabi ko sabay talukbong ng unan sa tenga ko para siyang loudspeaker kung sumigaw.
"Bilisan mo na kasi, mamimili pa tayo ng mga gamit para sa school. Bumangon ka na dyan ang tamad mo talaga!" bulyaw ni Iyah sa akin. 3 days na lang kasi pasukan na kaya ayan nagyayaya na siyang mamili. naka-enroll na din pala kami sa Monfort International School.
"Mauna ka na, Im not in the mood Iyah." sagot ko sa kanya
"Aba ayaw mo tumayo ah!" dinagan niya ako at pinalo palo ng unan.
"Ahhh. Ahhh. Oo na oo na sasama na ako tabi!" letseng babae to napaka sadista -.-
"Sasama naman pala e gusto pa yung nababalian. Sige bilisan mo iintayin kita sa baba bilisan mo or else..." sabi ni Iyah at inirapan pa ako bago lumabas ng kwarto ko.
[ALIYAH MAE MADRID]
Sasama naman pala si Em, dami pang inarte sa buhay -.- Anw, ako nga pala si Aliyah Mae Madrid pinsan ko yung ni wrestling ko kanina. :D hahaha
"Nak, gising na ba si Em?" sigaw na tanong sa akin ni Mommy sa kwarto ko.
"Yeah, baba na din yun." sagot ko
"Anak bilisan niyo andyan na pala si Silver sa sala." sabi ni Mommy. Weh? ang aga naman niya pumunta. Makababa na nga.
"Pilak, bakit ang aga mo ngayon?" tanong ko kay Silver.
"Wala lang, ang boring kasi sa bahay kaya sinundo na kita ng mas maaga." sagot niya sa akin.
Kung nagtatanong kayo kung magka' ano ano kami ni Pilak/Silver siya po ang aking BBF (Boy Best friend) slash pasaway na kapitbahay.
"Ahhhh. Umalis na naman sina tita?" tanong ko pagkakuha ko ng inumin para kay Silver.
"Yeah, as always" bored na sagot ni Silver at prenteng umupo sa sofa namin at kinuha ang remote ng TV. Matigas talaga ang mukha niyan sanay na kami. Halos sabay na kasi kaming lumaki kaya ayan, sobrang feel at home dito sa bahay.
"Iyah, pahiram sapatos ha? di pa kasi ako nakakabili ng akin e. Kukuha na ako." sigaw ni Em sa akin, duhh! nagpaalam pa siya pero nandun na siya sa kwarto ko
"Shino yun? wshsshshsshh" tanong sa akin ni Silver habang lumalamon ng mga chips na kinuha niya dun sa kusina namin kanina told yah matigas mukha niya
"Pinsan ko, galing Canada she'll be studying here sa Pilipinas sa MIS." sagot ko sa kanya
"Pinsan? So panget din siya kagaya mo? hahahahahahaha!" asar ni Silver sa akin
"Alam mo... Pagkatapos mong kumuha ng pagkarami raming chips at juice dito ganyan ka? makakalabas ka na nga! Ayun ang pinto. UWEEE~" asar na sabi ko.
"Joke lang Angel, eto naman di mabiro ang cute cute mo talaga." sabi niya sa akin sabay kinurot yung mga pisngi ko. Syempre di ako papatalo kaya kinurot ko din siya. Ang ending? Ayun nagkurutan na lang kami.
"Let's go cous-- Oh? Hi there!" sabay kaming napatingin ni Silver kay Erliyah na kabababa lang galing sa kwarto ko.
"Cous, si Silver Jude Kim best friend slash kapitbahay natin and Silver, si Erliyah Mae Santos pinsan ko." pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?