Chapter 63

6.4K 217 57
                                    

[KRISTOFER MONFORT WU]

1 month passed. Dumaan ang pasko at bagong taon at pasukan na naman. Well, ayos na ako. Medyo ayos na ang mga sugat ko at nakakalakad na din ako nang walang saklay. Halos isang buwan din akong na home study dahil sa aksidente. Nung na home study ako ay dinadalaw na lang nila ako dito sa bahay. Tuwang tuwa pa nga si Mommy at Kraze nung nakitang nandito sila. Okay na kami. Hindi ko alam pero okay na kami ni Charlie. Nagkapatawaran na kami nung nag-usap kaming dalawa. Tss. Pakiramdam ko ang bakla nga namin nun -.- Sa kanilang lahat si Charlie at Erliyah ang madalas na nandito at bumibisita. Si Erliyah kasi pinapanindigan niya yung sinabi niya na she'll be responsible for what happened... Kaya bukod sa home study lessons ko ay may tutoring session pa siya. Okay lang naman sa akin iyon pero madalas na kasama niya si Charlie. Tss! Yung lalaking iyon ayaw talaga kaming magka'moment ni Erliyah. Threatened eh? Hahahaha!

2weeks na nung huling nakita ko si Erliyah. Pumunta kasi siyang Canada at dun nag pasko at bagong taon kasama ang pamilya niya. Namimiss ko na tuloy siya. Tss. Napatigin naman ako sa regalo ko dapat para sa kanya. Kelan ko kaya ito maibibigay? Tss. Sa pasukan na siguro.

"Kuyaaaaaaa!" sigaw ni Kraze.

"Oh?" sagot ko.

"Labas ka dito dali!!!!" sigaw niya ulit.

Tss. Ano na naman kayang pakulo ni Kraze?!

Paglabas ko dun ngiting ngiti siya habang naka-akap sa isang babae.

"Hi baba! I'm back." nakangiting sabi niya. Wala akong nagawa kundi mapangiti na rin.

[ERLIYAH MAE SANTOS]

It's nice to be back here in Manila. Namiss ko ang polusyon nang Pilipinas. Hahahahaha!!! I spent my holidays with my family in Canada. Kulang ang dalawang linggo pero okay na iyon kaysa wala. Andami kong bitbit na pasalubong para sa kanila.

******

"Hay nako! Si Aliyah talaga... Nangako siyang susunduin niya ako e." sabi ko napatawa naman si Manong. Edi sana hindi ako nabobored ngayon kung nandito siya. Ay nako!

"Ma'am ang aga naman po kasi ninyo. Hahahaha!" sagot ni Manong.

Aish! Kahit na... 7am? Maaga pa ba yun?! Kung kay Charlie siguro ako nagpasundo ay malamang 6am nandun na iyon. Kaso gusto ko siyang isurprise e.

"Dami niyo naman pong pasalubong..." sabi ni Manong.

"Ganun po talaga. Meron din po akong binili para sa inyo. Kunin niyo na lang po mamaya." sabi ko.

"Talaga po ma'am?! Salamat naman." tugon ni Manong.

*******
"Manong sandali..." sabi ko.

"Po?"

"May dadaanan lang po ako. Dyan lang po sa subdivision na yan. Okay lang po ba? Mauna na lang po kayong iuwi ang mga gamit ko." sabi ko. Nadaanan kasi namin yung subdivision nina Kristofer. Naisip kong daanan si Kristofer para kamustahin siya at para mabawasan din ang pasalubong na bitbit ko.

*******
Si Kraze ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa bahay nila. Oh my gosh! I miss this girl so much! Niyakap niya ako kaya niyakap ko na rin siya. Inabot ko na rin sa kanya yung pasalubong ko para sa kanya at kay Tita.

"San kuya mo? Gising na ba?" tanong ko. Ngumisi naman siya.

"Yiiiie! Namiss si Kuyaaaaaa~" pang-aasar niya.

"Di no! Gusto ko lang malaman kung sinagutan ba niya yung iniwan ko sa kanyang mga activities." sagot ko.

"Weeeeeh?! Totoohanin niyo na kasi ni kuya! Gustong gusto kaya kita para kay kuya!" sabi niya. Yep, alam na nila na hindi 'kami' ni Kris. Wala nagkahulihan na e. Tsaka naintindihan naman ni Tita yung rason kung bakit namin ginawa.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon