Chapter 36

8.5K 232 39
                                    

[KURT MIGUEL SANDOVAL]

Inaantok ako -.- Ayyy hindi mas lamang pala ang gutom ko. Papasok na ako sa school galing kay na Charlie. Hindi na kami nagsabay sabay kasi may kanya kanya naman kaming dalang sasakyan. Buti na nga lang natapos namin e. Si Jester may sarili siyang part na gagawin and pag natapos niya iyon ay makapagpapasa na kami.

May nangyari pala kanina. Si Nicole sobrang tahimik. Kung bakit? Eh kasi hindi daw niya akalaing makakatulog siya sa isang kwarto kasama si Jester. Wala naman daw nangyari ayon kay Jester ni hindi nga daw sila tabing natulog dahil sa couch na daw siya pumuwesto. Dahil dun naging tampulan silang dalawa ng tukso. Si Jester parang wala lang sa kanya iyon at ipinagkikibit balikat na lamang iyon. Pero si Nicole? Hayy! Ewan ko ba dun kung anong dinadrama. Hahahaha! Pati nga rin si Chase ay hindi mapakali. Lam na! Kaming tatlo? Chill lang. Hahahaha.

Monfort ...

Pagkadating ko dun ay madami agad ang pumalibot sa aking mga babae.

"Ah? Hehe. Good Morning." bati ko tapos---

"Kyaaaaaaahhhhhh!!! Ikaw na talaga ang daymaker."

"Sobrang pogi mo tapos hindi ka pa snob. Ikaw naaaaaa!"

They keep on shouting things like that. Syempre ako naman natutuwa ako. Masarap sa feeling na may mga humahanga sa akin. Mas naiinspire akong pagbutihin pa ang sarili ko.

"Kurt sana tanggapin mo ito." then she handed me a jar full of cookies. Waaaaaaahhhhh! Pagkain ToT

I smiled at her "Thanks Mira." I said. Halatang nagulat siya sa sinabi ko.

"K-Kilala mo ako?" manghang tanong niya.

I nodded "Mira Sison. first year, BS accountancy, section C." sagot ko kaya mas lalo pa siyang napanganga.

"Bakit mo ako kilala?" tanong niya.

Kumuha na ako ng cookie mula sa jar na bigay niya " Syempre dapat kilala ko kung sino yung gumagawa ng the best cookies in town." at kumagat ako. Huhuhu! Napaka heaven talaga nitoooo! Ang saraaaaaaaaaap!

"Kesa iwanan mo sa locker ko ang mga cookies na ginagawa mo. Iabot mo na lang ng personal. Mas masarap kasing kainin kapag medyo mainit pa kagaya nito. Mapapasalamatan pa kita ng personal di'ba? Alis na ako ah? Thank you for this. Sana next time maturuan mo na ako kung paano ito gawin. Bye!" paalam ko at pinat siya sa ulo.

The best way to get a man's heart is through his stomach. Ayan ang paniniwala ko. Hahaha!

[LUIS HANZ CHUA]

"That's all for today. Goodbye class." paalam ni Sir. Hayyy! two class down one to go tapos diretso na kami kay na Thunder. Di'ba kasi gagawa kami ng research paper.

Nilapitan ko si Valerie na nakapangalumbaba sa desk niya.

"Baby girl, lunch na. Tulala ka dyan?" sita ko tapos parang nagising na siya da realidad.

"K-Kanina ka pa ba dyan?" tanong niya. Tapos umiling naman ako.

"Ano bang iniisip mo?" tanong ko.

Tumayo siya at isinukbit ang bag niya. "Wala, tara na." sagot niya.

Dahil 3 hours ang break namin. Napagdesisyunan namin na sa may restaurant malapit sa Monfort na lang kami kakain. Nakakasawa na kasi sa cafe. Hahahaha!

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon