[SILVER JUDE KIM]
Nandito ako sa may sala nina Aliyah. Sabay sabay na kasi kaming tatlo papasok. First day ko ulit papasok. Kinakabahan ako na excited hindi ko nga alam kung bakit hahaha. Sinadya ko talagang hindi ipasabi sa iba na dumating na ako dito para magulat sila.
"Oy kumain ka na ba? Ang tagal ni Aliyah sa taas e. Gusto mo nang waffles?" puna ni Erliyah na kababa lang.
"Okay lang. Busog pa ako." sagot ko.
"Aba! Tinanggihan mo pagkain? Impro--"
Beeep... Beeep...
"Sino iyon?" takang tanong ko. Kaalis lang ni Tita ah? Impossibleng siya iyon.
"Ako na po magbubukas ma'am!" at tumakbo si manang palabas.
"Bisita niyo?" baling ko kay Erliyah.
"Hindi. Sundo." sagot niya.
"Ahhh! Si Charlie. Aba improving kayo ah. Mabu--"
"Hindi si Charlie iyan. Sinabi ko sa kanyang sabay kami ni Aliyah papasok ngayon. Hindi yun pupunta dito." sagot niya. Kung hindi si Charlie? Sino? May iba pa bang manliligaw si Erliyah?
"Sorry ngayon lang ako natapos. Sino yung bumusina?" tanong ni Aliyah pagkababa.
"Sinabihan mo ba siya?" tanong ni Erliyah kay Aliyah. Ano kayang pinag-uusapan ng dalawang ito?
"Sino?" tanong ni Aliyah tapos bumulong si Erliyah sa kanya.
"Oh my. Nakalimutan ko siyang sabihan. Pa--"
"Goooooooooood Moooooooorning~~~" napatingin kaming lahat sa bumati. Nang nakita niya ako agad na bumagsak ang balikat niya.
"Blake..." sambit ko.
"Uyyy! Pare. Long time no see. Nandito ka pala." sabi niya ng makalapit siya sa amin.
"Ah. Oo sabay sabay na sana kaming tatlo pumasok e." sagot ko.
"Ahhh. Ganun ba?" sagot niya tapos tumingin siya kay Aliyah.
"Ano palang ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Ah. Susunduin ko sana sila e. Nakasanayan na kasi namin na sabay sabay kaming pumapasok. Hindi naman ako nasabihan ni Aliyah na sa'yo pala siya sasabay ngayon." tapos bumaling siya kay Aliyah. "Mukhang nakakalimutan mo ako kapag andyan si Silver ah. Nakakatampo." sabi niya.
"Hehehe! Sorry Blake. Nakalimutan ko lang talaga." sagot niya.
Katahimikan ....
"Ano-- ahm? Breakfast na tayo? Mabuti na lang madaming naihanda ngayon. Tara na." aya ni Erliyah. Siguro naramdaman niyang ang awkward ng atmosphere. Hindi ko alam pero naiilang ako kay Blake ngayon. Pakiramdam ko may nagbago.
******
Natapos kaming magbreakfast. Napagpasyahan namin na isang kotse na lang ang gagamitin naming apat papasok. Yung kay Blake na lang dahil pwedeng pwede ko naman daw iwanan ang kotse ko dito.
Unang lumabas si Blake para mai-start na ang kotse.
"This is awkward." bulong sa akin ni Erliyah. Ngumiti na lang ako sa kanya.
"Sakay na. Aliyah dito ka sa tabi ko." sabi ni Blake na ikinagulat namin. Hindi kaagad nakagalaw si Aliyah.
"Pero--"
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?