[DRAKE OLIVER SERRANO]
"Ang aga aga mga nakabusangot kayo dyan? Hoy!" sabi ni Chase at isa isa kaming pinagbabatukan.
"Oh ikaw anong problema mo at tila pasan mo ata ang buong daigdig?" tanong ni Chase kay Sedric.
"Tsk. sinabi ko na diba? mag-iisang linggo na akong di pinapansin ni Lesley!" sagot niya.
"Tanga neto. Sigawan mo ba naman kasi sinong di maiinis dun?" asar ko sa kanya.
"Tangeks pre' gawin mo na lang din yung ginawa kahapon ni Lay. Kantahan mo." suhwestiyon ni Thunder.
"Tsk. ako na bahala dun. Basta magkaka-ayos kami." mayabang na sabi ni Sedric.
"Oh ikaw Thunder ano namang problema mo?" tanong sa kanya ni Kristofer.
"Pare, si Valerie di ako pinapansin e. Para bang iniiwasan ako." malungkot na sabi ni Thunder.
"Eh simula pa lang naman di na talaga kayo magkasundo ah? Anong bago dun?" takang tanong ni Jester.
"Hindi, ang ibig kong sabihin di'ba dati nag-aasaran kami-- tapos ngayon, parang di kami magkakilala." sagot niya.
"Dami mo pa kasing alam sa katawan di mo na lang sabihing gusto mo siya" singit ko.
"Namo Drake! akala mo madali ha? eh galit na galit nga sa akin yun makita pa lang ako. Sabihin ko pa kayang gusto ko siya tingin mo maniniwala yun?" at binato ako ng bola. Nasa gym nga pala kami ngayon. Nag-aya si Kristofer mag basketball e.
"Oh ikaw kamusta Kristofer?" sabi ni Thunder.
"Anong ako?" at nag'shoot pasok 3 points. Hanga talaga ako sa kanya pagdating sa basketball.
"Wala ka paring nagugustuhan? di kaya bakla ka?" tanong ni Sedric.
"g*go! sa gwapo kong to? Wala. Sakit lang sa ulo ang mga babae lalo na kung makulit at madaldal." at nag-shoot ulit.
"Hahaha! so may pumasok na babae sa isip mo nung tanungin ka ni Sedric no?" asar ko. Saan naman niya kasi nakuha ang makulit at madaldal na babae kung wala naman siyang tinutukoy di'ba? Saglit siyang natigilan.
"TSK." ayun lang ang sinabi niya at naglaro na ulit kami.
'hahahahaha'
May pumasok sa gym hindi pa namin nakikita kung sino pero ang alam ko lang naman na may susi ng gym ay mga teachers, si Kristofer dahil matigas ang mukha niya at syempre ang captain ng basketball team.
"Uy! hindi namin inaasahang andito pala kayo." bati sa amin ni Luis
"Ahehe. Oo nga e. Ang saya!" pambabasag ni Chase sa katahimikan
"A friendly game? maaga pa naman para sa klase natin." aya ni Charlie.
"O sige!" nagulat kaming lahat sa pagpayag ni Kristofer.
"That's good tara na." at nagdribble na ng bola si Charlie.
"Dun na lang ako sa bench. Ayokong mapawisan." sabi ni Silver
"Magpapahinga muna ako." at sumunod ako kay Silver sa may bench. Nagsimula na agad sila maglaro.
"Di ko akalaing magsasama sama ulit tayo." sabi ni Silver habang nakatingin sa mga naglalaro.
"Oo nga. Ang tagal na din nung huli." sagot ko habang nakatingin sa mga kolokoy
Hindi na siya sumagot at nagbasa na lang ng libro niya. Ako naman isinalpak ko na lang earphones ko. Ilang minuto lang ang nakalipas.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?