[NICOLE GRACE SAN PEDRO]
Good Morning Friday!!! Yung pakiramdam na walang pasok? Hayahay ang buhay.
Still lying on my bed and feeling the happiness of the world. Ansabe?! Eh sa masaya talaga ako ngayon e. Alam niyo ba kung bakit? Let me kwento it to you. Mwahaha!
FLASHBACK ...
Nananakit ang ulo ko sa mga test namin kanina. Kaya eto ako parang sugatang mandirigma na nakaupo sa upuan ko. Habang sila busy sa pag-uusap usap. Ako busy sa pag-alala kung tama ba mga pinaglalagay ko kanina sa test. Jusko naman kasi yung sa Phil. History namin naloka ako. Ang sabi madali lang daw kaya kineri keri ko lang ayun pala--- jusko!!! Yung test paper namin puro linya iilan lang ang tanong. Karamihan essay pa. Minimum of 20 sentences ieexplain mo yung ganito yung ganyan. Bakit ganito ganyan, bakit ganitong taon pinatupad, bakit si ganito ang may hawak ng ganito. Susko! Naubos ata lahat ng english ko sa katawan. Napagod ang utak ko ToT
"Uhm hi? A-ano. Okay ka lang?" tanong sa akin ni-
"Chase?!!!" pag-angat ng ulo ko si Chase ang bumungad sa akin. Omoooooooo!!!! Nawala na lahat ng pagod ko. Joke ^^
"Ah. Oo okay lang ako. Thanks!" sagot ko. Nakakahiya. Maganda ba ako sa mga oras na ito?! Bigla bigla naman kasing mangangausap tong si Chase hindi ako prepared.
"Mabuti naman, Ahm pwede ba kitang makausap?" tanong niya.
"Di'ba- di'ba magkausap na tayo?" takang tanong ko. Tapos ngumiti naman siya. Kapogi Lord!!!
"I mean. Yung tayong dalawa lang? Kahit sa may labas lang. May sasabihin lang ako." sabi niya. Agad akong namula, kaming dalawa lang? Omo!!
"Ah. Si-sige. Okay lang. Tara!" aya ko. Hindi na ako nagpaalam sa iba basta lumabas na lang kami. Haha!
Naglalakad kami sa may hallway actually hindi ko alam kung saan kami patutungo. Basta sumusunod lang ako sa kanya. Pinagmamasdan ko siya habang naglalakad kami kasi medyo nauuna siya. Ang pogi niya talagaaaaaa~ bakit kaya siya brineak nung EX niya? Tsh! Kung ako yun aba wala nang bitawan to' hahaha. Napangiti naman ako sa naiisip ko at tumingin na sa nilalakadan namin.
"Kung mamalasin ka nga naman oh!" bulong ko. Makakasalubong na naman namin si Jester! Whooo. What a life. Hindi kami nagpapasinan ni Jester pansin niyo? Simula ng sinabi niyang magkalimutan na kami hindi ko na siya pinansin. Ni tignan nga ay hindi ko ginagawa. Akala niya hindi ko kaya? Ha! Sino ba siya para isipin ko?!
Ngumiti naman siya kay Chase at tinapik ito sa balikat ng magkasalubong na kami.
"Nice. Keep it up bro!" sabi nito. at nilagpasan kami. Huh?!
Anudaw?! Sinundan ko ng tingin si Jester. Tss. Baliw talaga yung lalaking yun.
"Close kayo ni Jester di'ba?" tanong bigla ni Chase.
"Joke ba yan? Hindi ah." sagor ko.
"Eh napansin ko na dati lumalapit siya sa'yo. Ano iyon?" tanong niya.
"Ah wala yun. Some sort of a deal? Pero wala na siya ngayon. Hindi na effective kaya hindi na rin kami nagpapansinan." sagot ko. Although hindi naman ako naka benefit sa deal na iyon. Thankful pa rin ako na tinapos na ni Jester yung slave something niya na wala naman akong napala kundi sakit ng ulo.
"I see. Sa may cake shop na lang tayo sa may tapat ng Monfort ayos lang?" tanong niya. Is this a- no no no. Nicole may sasabihin lang siya wag kang assumera.
"Sure. Walang problema." sagot ko.
***
Cake shop ...
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?