[KURT MIGUEL SANDOVAL]
Kusang napangiti na lang ako ng mai'serve na sa akin yung burger and fries na binili ko. Nag-uwian na yung mga kaibigan ko, may kanya kanya atang lakad. Hahaha! Kain alone na naman ako pero okay lang, more foods for me. Hahahaha!
"Waaaah!!! Amoy pa lang, ang saraaaaap naaaa!" masayang sabi ko.
"Kurt!" at umupo si Drake sa harapan ko.
"Hep! Wala akong balak i'share 'to! Umorder ka ng iyo." agad kong sabi at inilayo sa kanya ang pagkain ko. No one touches my food!!!
Humalukipkip naman siya, "Mabulunan ka sana." sabi niya. Nag make face na lang ako, hindi tatalab sa akin yang mga ganyang panalangin. Hahaha!
"Bakit ka ba nandito?" tanong ko at nagsimula ng kumain.
"Makikipagkita sa akin si Aira, kaso maya maya pa labas niya eh." sabi niya.
"Ahhhh! Ang hirap magka'girlfriend no? Imbes na uuwi ka na, iintayin mo pa siya. Imbes na ipangkakain mo na lang ang pera mo, ibibili mo pa ng regalo para sa kanya. Haaay! Ang hassle! Oh, kumain ka pero fries lang ah!" sabi ko at binigyan ko siya.
"Napaka talaga, Kurt. Tsk." sabi niya pero kumain na rin naman.
"Naranasan mo na bang mainlove?" tanong niya. Tinignan ko naman siya, ang seryoso niya.
"Oo. Sa cookies, burgers, popcorn, spa--"
"Gago! Syempre sa tao hindi sa pagkain." sabi niya.
Napatigil naman ako, naranasan ko na ba?
"Bukod sa pagkain may iba pa bang nagpasaya o nagpapasaya sa'yo? Utang na loob, wag puro pagkain na sa utak mo!" inis na sabi ni Drake.
"Chill lang pre, nagbibiro lang ako." sabi ko.
"Ano meron ba?" tanong niyang muli.
"Bakit naman ganito topic natin? Hindi ba pwedeng ano na lang yung favorite recipe ko ng carbo-- Joke lang! Aish! Bakit ba ang seryoso mo?" sabi ko.
"Umayos ka kasi Kurt!" inis na sabi niya.
Sabihin ko na kaya sa kanya? Mapagkakatiwalaan naman si Drake eh.
"Hmmmm! Meron naman." sabi ko at bigla siyang naging interesado.
"Yun! May mapag-uusapan din tayong matino. Haha!" sabi niya.
"I met her 2 years ago, dahil sa cookies na ginagawa niya." sabi ko.
"Ahhhh! Kilala ko yan!" Biglang sabi niya. Nagulat naman ako.
"K-Kilala mo? P-Paano?" takang tanong ko.
"Syempre ako pa? Wala naman kayong maitatago sa akin eh. Nakita ko kayo noon, magkausap tungkol sa cookies. Sa totoo lang ang weird niyo pakinggan nun, topic niyo cookies? Grabe!" sabi niya na parang di makapaniwala.
"Mira Sison di'ba?" dagdag niya. Tumango naman ako, namimiss ko na naman siya.
"Yep. Kaso wala na siya eh!" malungkot na sa sabi ko.
"Eh? Patay na?!" gulat na tanong niya.
"Loko! Hindi ah! Wag mo namang patayin. Nawala siya, biglang di nagparamdam." malungkot na sabi ko.
Naalala ko pa noon, inaasar nila akong lahat kay Mira. Pero lagi ko namang tinatanggi at dinadahilan ko yung cookies na ginagawa niya para sa akin kaya kami naging close.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?