A/N : this update is quite long :) If ever naman na masyado akong mahabaan puputulin ko na lang. Kekeke~ enjoy!!! :)
[LESLEY SHANE CABRERA]
Malamig na hangin ang sumalubong sa akin paglabas ko ng kotse. Nagpahatid ako sa driver namin kay na Silver. Doon kasi ang meeting place namin. At hindi ko alam kung anong trip nila at gusto nilang madaling araw umalis. As if aalis yung rest house nina Silver doon. Nabigla ako ng may nakita akong lalaking nakatayo malapit sa gate nina Silver. Balot na balot siya sa jacket. Hindi ko na dapat siya lalapitan mamaya masamang loob kaso tinawag niya ako.
"Lesley Shane.." He uttured. Medyo mahina iyon pero nadinig ko.
Geez. Sino ito?! Bakit kilala niya ako? Hindi agad ako nakagalaw. Paano kung masamang loob to?!
"Sweetie... it's me." medyo malakas niyang sabi. Sweetie? Mabilis pa kay flash ay nilapitan ko na siya.
"Anong ginagawa mo dito?! It's freezing cold here Sese." sabi ko. Base kasi sa nakikita ko parang kanina pa ata siya nandito. Hinawakan ko ang mukha niya at napakalamig noon.
"I-I.. just want to know if you're safe bago ka pumuntang Batangas. Nag-aalala kasi ako dahil hindi mo ako kasama." sabi niya at hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya.
"Why are you smiling like that?" takang niyang tanong.
"Your sweetness makes me smile." I said. He chuckled and suddenly he hugged me.
"Mamimiss kita. Ingat ka sa Batangas ah? Bumalik ka dito ng ako pa rin ang mahal mo. Okay?" sabi niya.
"Drama. 3 days 2 nights lang naman kami doon. Tsaka kasama ko naman sila. Hindi nila ako pababayaan." sagot ko pero agad siyang ngumuso.
"Hindi mo sinagot yung sinabi ko. Bumalik ka dito ng ako pa rin ang mahal mo. Promise me." He said.
"Kanino naman ako maiinlove? And as if mababago ng ilang araw ang pagmamahal ko sa'yo? Taon nga di tumalab ilang araw pa kaya?" nakangiting sagot ko.
If you're asking me kung ano nang meron sa amin Sedric. Our feelings are mutual but we don't have any relationship YET. Bali nagliligawan stage pa lang kami. Sabi niya hindi naman daw siya nagmamadali he can wait pero tignan niyo naman siya ngayon. Daig pa niya ang tatay ko. Hahahaha!!!
"Good girl." and he kissed me on the forehead.
Biglang bumukas ang gate ng mansyon este bahay ni Silver.
"Nandito ka na pala? Ikaw na lang kulang e." puna ni Nicole sa akin.
"Oo nga ta-- Uy? Hinatid ka?" sabi ni Erliyah. Ay? Muntik ko nang makalimutan.
"Nope. Inantay niya pala ako dito. Ganda ko talaga no?" pang-iinggit ko sa iba. Sabay kumapit ako kay Sedric.
"Wanna come with us?" aya ni Silver sa kanya. Nabigla naman ako.
"Thanks but no thanks. May mga aasikasuhin kasi ako dito. " nakangiting sagot ni Sedric.
Bigla naman akong napatingin sa kanya. "Anong aasikasuhin mo?" tanong ko.
"Don't be nosy. Malalaman mo rin yun kapag pwede na. Akina bags mo." paglilihis niya ng usapan at inilagay na sa van ang mga gamit ko. Tsk! Bakit hindi pwedeng ngayon ko na malaman? Kaazar!!!
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?