Chapter 52

6.2K 222 13
                                    

[LUIS HANZ CHUA]

"Pusang kalbo! Shit!" halos hindi ako nakagalaw sa gulat ng may humawak sa balikat ko.

"D-Drake..." mas lalo akong nagpanic nang seryosong tumingin siya sa akin.

"Luis wag mo nang ituloy yang ginagawa mo. Eavesdropping is not a good habit. You'll never know what you'll discover if you continue doing that." makahulugang sabi niya. Kaya napahiya naman ako. Nabalik ang tingin ko sa nga taong sinundan ko kanina. Wala na sina Charlie at Kristofer doon.
Napabuntong hininga na lang ako.

"Akala ko kasi malalaman ko na yung sagot sa tanong ko almost 3 years ago." pag-amin ko. Sinundan ko sila dahil malakas ang kutob ko na may malalaman ako kapag sinundan ko sila. Nagkaaway at nagkabati na kami pero wala pa rin ni isa sa amin ang may alam ng dahilan kung bakit iyon nangyari.

"Everyone's also wondering about that hindi lang ikaw. Intayin na lang natin kung aayon sa atin ang tadhana." sagot niya. Hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago si Drake. Pero may kakaiba akong nararamdaman o dahil si Drake itong kausap ko? May pagka misteryoso talaga siya at nasa nature na niya iyon. Pero bakit pakiramdam ko hindi pa namin alam ang problema ay alam na niya ang sagot? Weird.

"Balik na tayo sa room." aya niya. Wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

Siguro nga hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ko iyon. Tsk! Kelan kaya?!

[AMIEL LAY SY]

"Nasan si Luis?" tanong ni Valerie pasagot pa lang ako pero pumasok na sa room si Luis kasama si Drake kaya tinuro ko na lang sila.

Lumapit naman si Valerie kay Luis at binatukan niya iyon ng malakas. Napa'oohh na lang ako. Alog utak siguro iyon. Hahaha!!!

"Sabi ko sa'yo pagpaalam mo kay Daddy na ikaw na lang partner ko sa ball di'ba?!" dinig kong sigaw ni Valerie. Nadinig ko ang malakas na tawa ni Thunder at lumapit na rin sa kanila at inakbayan si Luis.

"Sorry loyal sa akin si Luis. Bleh!" asar pa niya at alam niyo na ang nangyari doon. Hahaha!

"Awtsu! Amazona talaga si Valerie ano kayang nagustuhan ni Thunder dyan? Hahahaha." sambit ni Charlie sa gilid ko at nagtawanan naman kaming mga nakarinig nun.

"Tss. Hayaan niyo silang dalawa. Bagay sila, isang amazona at isang isip bata." sabi ni Kristofer na naka straight face. Napangiti ako dahil kahit papaano ay nagrereact siya sa mga pinag-uusapan namin. Minsan rin ay nakikisama siya sa mga kalokohan namin pero tila napaka inosente niya kapag nagkakahulihan na. Hahahaha!

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon