Chapter 33

8.6K 245 33
                                    

[ERLIYAH MAE SANTOS]

'Good Morning Erliyah'

'Hello future Princess MIS'

'Susuportahan ka namin sa competition'

'Ang ganda mo talaga. Bagay sa'yong maging Princess MIS'

"A-Ah! T-Thank you." sabi ko at nagtatakbo na. Tsh! Kaya ayoko ng ganito e. Ayoko ng masyadong atensyon.

Asan na ba kasi si Kristofer? Tss. Yung lalaking yun ka partner ko pa. Aba! Susko sakit ng ulo lang pala ang mapapala ko sa pagsali ko dapat sisisihin si Luis at Blake dito e.

Nagtataka ba kayo kung bakit ko hinahanap si Baba? Eh kasi nga po may talent portion daw yung 'Prince and Princess MIS' eh hindi ko naman alam kung anong gagawin namin. Anong malay ko kung may talent ba yun o wala.

Wala kaming morning classes ngayon kasi nga may basketball game. Andami tuloy tao ngayon kasi open sa outsiders yung basketball game. Karamihan babae malamang dahil ang gagwapo ng mga players.

"Hay life. Saan ko hahanapin ang lalaking yun?" sabi ko at nagpalinga linga. Gusto ko na kasing ma finalize namin ni Kristofer ang gagawin namin.

"Hi Miss!" bati sa akin ng isang lalaking naka jersey mukhang player ata siya ng SCA

"Uhm? Bakit? Nandun yung gym oh." turo ko naliligaw ata siya.

"Hehehe. Hindi iyon. Alam mo bang sikat na player ako ng SCA? Ako ang ace player nila. Ako si Jayden." pakilala niya. Teka?! Tinatanong ko ba?! Ay bad Erliyah!

"Ohhh! Nice. Sige alis na ako ah." paalam ko kaso pagtalikod ko sa kanya nandun na siya kaagad sa harap ko. Ninja?!

"Bakit ba? Ano bang kailangan mo sa akin?!" medyo inis na tanong ko. Mabilis talagang mag-init ang dugo ko sa mga mayayabang.

"Your name and kung pwede yung number mo na rin." sabay kumindat siya. Ang kapal ng mukhaaaaaa~

"Name? Nena. Number? 12. Happy now?! Alis." masungit na sabi ko tss. yabang pero mesa makulit tong lalaking to' at sumulpot ulit sa harapan ko.

"Miss. Pangalan lang at number mo ang hinihingi ko oh. Ako si Jayden Reyes sikat sa SCA ang humihingi ng number mo. Ayaw mo pa?" sabi niya. Aba't pinupuno ako ng monggoloid na to ah.

"Well Mister wala akong pakialam kung anong name mo--" naputol ang sasabihin ko ng biglang hilahin ako ni Baba.

"Baba."

"Kilala mo ba yun at kinakausap mo? Tss." parang inis na sabi niya.

"Sinabi niya yung name niya pero-- wala hindi ko na maalala. Hahaha!" sagot ko.

"Tss."

"Hoy pare! Hindi mo pwedeng alisan na lang basta ang isang Jayden Reyes." oh?! Sumulpot na naman siya. Ninja nga ata talaga to.

"Hindi ba halata na ayaw kang kausap ng babaeng to?" sabi ni Kristofer. Kung makababae naman to' akala mo hindi kami magkakilala.

"Actually I'm talking to her tapos sumulpot ka." maangas na sabi ni Jayden.

"Uhm--"

"Do you know who I am? I'm Jayden Reyes ang ace player ng SCA. Sikat ako." Hala to' tinalo si Baba sa kayabangan.

"Baba. Sumagot ka bilis sa'yo ang suporta ko ngayon." bulong ko tapos sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Alam mo--" natigilan ako ng hawakan ako ni Kristofer sa balikat.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon