[CHARLIE PARK]
"Char. Char baby. Wake up!" at nakaramdam ako ng mahihinang tapik sa likod ko.
"Uhm?" sagot ko.
"Char. Wake up. Nung isang araw ka pa ganyan. What's the problem?" tanong ni Mommy sa akin.
Yeah! Matamlay ako nung isang gabi pa. After our epic date. Nagagalit ako hindi kay Liit kundi sa sarili ko. I've been so insensitive to her na nasigawan ko pa siya. Nahihiya din ako kasi hindi ko siya naprotektahan at muntik na siyang mapahamak. Hindi ko napigilan yung sarili ko because it's Erliyah we're talking about. Ayokong nasasaktan o napapahamak ang mga taong mahal ko. Natatakot ako ngayon na baka nag-iba ang tingin sa akin ni Erliyah. Natatakot ako na baka hindi na niya ako bigyan ng chance. Natatakot ako na baka akalain niyang hindi ko pinapakita sa kanya ang tunay na ako. Nung time na yun kaya ko siya nasigawan kasi galit ako dun sa mga lalaking nambastos sa kanya. Galit ako kasi binastos nila ang babaeng nirerespeto ko ng buong buo. Kahit sinong lalaki mawawala ang control sa sarili kapag sila ang nasa sitwasyon ko nun.
"Mommy. Tingin mo ba mali ako?" tanong ko.
"Saan?"
"Mom, nasigawan ko kasi nung isang gabi si Erliyah. You know her right? Yung babaeng gusto ko. Hindi ko din siya kinontact kahapon kasi nahihiya ako sa kanya. Mali ba yung ginawa ko?" tanong ko. It's my first time. First time ko kasing magkaganito kaya hindi ko alam kung tama ba.
"Tingin mo ba galit siya?" huh?!
"My, ang layo naman ng sagot mo e." naka pout kong sabi.
"No, I mean it. Do you think she's mad?" tanong niya ulit.
"Yeah. I guess so." malungkot na sagot ko.
"Then, Bakit nasa baba siya at inaantay kang magising?" nakangiting sabi niya.
"Tha-- that's impossible!" pero hindi pa rin niya tinatanggal ang ngiti niya.
Lumabas ako ng kwarto ko. Nagmadali akong bumaba. Sa sobrang pagmamadali ko nga muntik pa akong matapilok.
"Liit." sambit ko. Nakita ko siyang nakatalikod sa akin. Unti unti siyang humarap at nginitian ako and she even wave at me. She's really here.
"Good Morning Tangkad." nakangiting bati niya sa akin.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya.
"I'm sorry. I'm really sorry about what happen the other day. Hindi ko kasi--"
"Shhh! Okay lang. May kasalanan din ako. Alam kong nag-aalala ka lang sa akin. I'm here to say sorry. Sorry kasi pasaway ako nun. Sana hindi ka nagalit sa akin." sabi niya at nginitian ko naman siya.
"Hindi ko kayang magalit sa'yo Liit." sabi ko while cupping her face.
"Charlieeee~ Halika nga dito. Ikaw bata ka. Will you excuse us?" sabi ni Mommy at piningot ako. Hinila niya ako papunta sa kusina. Naiwan naman si Liit dun na tawang tawa sa ginawa ni Mommy.
"Aww! Mommy bakit mo iyon ginawa?" sabi ko habang nakahawak sa tenga ko. Ang sakit ToT
"Hindi ka man lang ba nahiya kay Erliyah? Nagpakita ka ng ganyan ang itsura mo? Gulo gulo ang buhok, your voice? It's very husky halatang kababangon mo lang sa higaan. Ni hindi ka man lang nag toothbrush or naghilamos bago mo siya harapin. Ako ang nahihiya para sa ginawa mo kanina e." puna ni Mommy. Tinignan ko naman ang sarili ko sa pinaka malapit na salamin. Pogi pa rin naman ako ah? Wala naman akong muta or panis na laway e.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?