Chapter 14: Hate list

11.9K 374 15
                                    

[LUIS HANZ CHUA]

Kahit kailan talaga napakaboring ng History class. Inaantok lang ako. Bigla naman akong kinalabit ni Blake.

"Luis, patigilin mo na nga si Sir sa pagsasalita sabihin mo wala nang nakikinig sa kanya." bulong niya sa akin.

"Abnormal. Edi pinalabas ako nyan. Hahaha!" sagot ko.

Bumalik na siya sa pagkakaupo niya at kunwari'y nakikinig kay Sir.

"B-O-R-I-N-G .. " wala na akong magawa dito. Antagal naman kasing matapos ng subject na ito.

bzzt .. bzzt ..

Nics San Pedro

Manood kayo ng sayaw namin mamaya ah. Break niyo yun :) Suportahan niyo ako. Hahaha!

Ps. Ang boring ng history no? hahaha.

Buti pa si Nics excuse na simula pa kanina. Daya -.-

Tinext ko si Valerie medyo malayo kasi siya sa akin e. Andito ako sa may malapit sa bintana tapos siya andun sa kabilang lupalop.

to: Valerie maganda

Baby girl, nood tayo ng sayaw ni Nics kawawa naman yun walang manonood. Hahaha!

Wag na kayong magtanong kung sino ang nagpangalan niyan. Pasimple ko na lang ibinulsa ang phone ko at nakinig kay Sir.

[VALERIE MIKAEL CRUZ]

Boring ng History. Ano namang kinalaman ko sa world war II e tapos naman na iyon. Hindi na lang mag move on tong si Sir. Okay ang corny ng joke ko. Gusto ko sanang magkipagkwentuhan kaso pag lingon ko .. Wag na lang pala kung si Thunder lang.

Yes! seat mate ko siya. How lucky I am. Buti na lang at nasa room kami kaya pa cool effect siya.

bzzt.. bzzt ..

1 message received

Fr: Lulu boy

baby girl, nood tayo ng sayaw ni Nics kawawa naman yun walang manonood. Hahaha!

Nagreply naman agad ako.

"Sure. Ang boring ng klase Lulu ToT"

bzzt .. bzzt ..

Oo nga e. Patigilin mo na nga. Hahahaha!

"Kung pwede lang e. Kanina ko pa ginawa. hahaha :D" I replied.

Buti na lang may matino akong katext. Hahaha!

"Tawa tawa ka diyan?" biglang sabi ni Thunder kaya napatingin ako sa kanya. Ako ba kinakausap nito?

Napangalumbaba lang ito at tamad na tumingin sa akin.

"Bakit ka tumatawa mag-isa dyan? Baliw ka na ba?" tanong niya sa akin.

What the-- Ako baliw? Eh kung sapakin ko na kaya ito ngayon na?

"Shut up. You don't care." I answered back and rolled my eyes on him.

"Psh. Bawal makipagtext di'ba? nako si Sir Pantoja pa naman ang professor natin pag nahuli ka nyan. tsk tsk" pang-aasar niya sa akin.

"Sinong may pake? Para namang mahuhuli niya ako." sagot ko at patuloy na nakipagtext kay Luis.

"Akin na nga iyan." sabay hinablot niya yung phone ko.

"What the-- Thunder." at nakipag-agawan ako sa kanya ng phone ko.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon