[VALERIE MIKAEL CRUZ]
Heto ako naglalakad papuntang Cafe ng harangin ako ni Luis.
"Baby girl~" sigaw sa akin ni Luis
"Yes?" sagot ko.
"Sabay na tayo!" sagot niya at inakbayan ako.
"Ewww! Lulu pawis na pawis ka. Wag ka ngang dumikit sa akin dugyot!" sabi ko, paano mukhang kagagaling lang ata nito sa practice nila ng basketball o soccer? I don't know he's a sportman e.
"Baby girl, madaming babae ang nangangarap na mapunta sa tabi ko tapos ikaw pagtatabuyan mo lang ako? You're a lucky girl Valerie." mayabang na sabi niya.
"For your information Mr. Yabang I'm not one of those girls. Kaya umalis ka na hahaha!" sagot ko, as you can see his my boy best friend! We're close since? hindi ko na maalala. hahaha!
"Hindi ako nagyayabang, I'm just stating the fact here!" sabi ni Luis sa akin.
"Sige sabi mo e." baliwalang sagot ko.
"Ayaw mong maniwala ah!" at ayun kiniliti niya ako.
"Lu- hahahahahaha Lu-Luis ta- hahahaaha tama na oyyy, nasa ha-hallway hahahahahaha tayo." halos di na ako makahinga sa kakatawa letche kasing lalaki to'
"Sabihin mo munang gwapo ako haha!!" sabi ni luis at ayaw pa akong tigilan.
" Hahaha. Oo na Oo na! stop it now Lulu." pakiusap ko at buti naman tumigil na din siya.
"That's good to hear! Come here now." hinila niya ako at pinunasan ng pawis sa mukha.
What is this feeling? Pakiramdam ko may nagmamasid or nanonood sa amin ni Luis. Nagpalinga linga ako sa paligid para makita kung meron nga.
"Any problem?" takang tanong ni Luis.
"Nah! let's go, ilibre mo ako ng snacks!" sabi ko at hinila na siya.
"Tignan mo tong babaeng to hahahaha!" sabi ni Luis at nagpahila naman sa akin.
It's weird kasi hanggang ngayon pakiramdam ko may nakasunod pa rin sa amin. Creepy!
"Bakit ba kanina ka pa di mapakali ha?" sabi sa akin ni Luis pagkalapag niya ng binili nyang snacks namin.
"It's just that-- forget it!" hindi ko rin naman sigurado e. Kaya sinimulan ko na lang kumain ng sandwich na binili niya.
"Valerie ano bang problema?" at ngayon seryoso nang tanong ni Luis sa akin.
"Ugh! fine. Kanina pa kasi ako nabobother simula nung nasa hallway tayo." pagsisimula ko
"and?" sagot niya
"Wag kang tatawa kundi babatukan kita!" Pagbabanta ko.
"Yeah yeah, proceed." atat na sabi niya.
"Pakiramdam ko kasi may nanonood sa atin e. I mean parang sinusundan tayo? ewan ko ba." paliwanag ko.
"Hmmm? baka feeler ka lang. hahahahaha!" biro niya kaya tinignan ko siya ng masama.
"Kidding! so pakiramdam mo may stalker ka?" sabi niya
"Well, hindi naman maitatanggi yun I'm pretty and --"
"I'm serious Valerie..." sabi niya. Eto naman ang seryoso. Kaya ayokong sabihin kay Luis e. Ang protective kasi.
"Well sort of, pero di naman ako sigurado kaya wag na lang natin pansinin." sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold vs. Mr. Perfect
Teen FictionDalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gusto ko o ang taong gusto ay ako?