[ILLUMINATING MINUTES] pt.2

817 29 9
                                        

third person's pov

"woah! really?!" di makapaniwalang tanong ni jungkook kay yugyeom. napakamot sa noo nya si yugyeom habang tumatango. "nabasa ko sa announcement board." sabi ni yugyeom kaya excited na napatayo si jungkook.

"at nabasa ko rin dun na kailangan mo daw  pumunta ng dean's office para sa mga detalye." dagdag pa ni yugyeom. "great, thank you, yugs!" sabi ni jungkook saka nagmamadaling naglakad papuntang dean's office.

nung makatayo si jungkook sa tapat ng office ay bubuksan na sana nya yun nung may marinig syang galit na sigaw sa loob. "no! i don't care if i'm getting rude here but i won't accept that gay as my partner---" taehyung

"kim taehyung! stop saying gay, jerk, bastard or bad words about jungkook!" pagpipigil ng dean. nakayukong humawak sa doorknob si jungkook habang pinapakinggan lahat ng masasakit na salita na galing kay taehyung.

"mas maraming maayos na estudyante kumpara sa kanya kaya bakit sya pa? bakit hindi si jiminie o si hobi o si joonie? madami, mr. angeles. bakit sya pa? di ko sya kayang pakisamahan!" angal pa ni taehyung at malakas na pinalo ang mesa.

"this is my decision, kim taehyung. stop shouting at me. now, sign above your name then leave my office." sabi ng dean at inayos pa ang salamin nito sa mata. "but---fuck it! of all people, yun pang may sira sa utak ang napili nyo." asar na sabi ni taehyung at asar na asar na pinirmahan ang itaas ng pangalan nya.

huminga ng malalim si jungkook at binuksan ang pinto. pinilit nyang ngumiti nung mapatingin sa kanya ang dalawa. agad syang nakatanggap ng irap mula kay taehyung. naglakad sya palapit sa mesa ng dean na halata ang awa sa mukha.

"jeon." crossed arms na humarap si taehyung kay jungkook matapos ilayo ang folder dito. maski ang dean ay napahinga na lang ng malalim dahil sa pinapakitang ugali ni taehyung.

tiningnan ni jungkook si taehyung. "bakit?" tanong nya kaya umangat ang isang kilay nito.

"quit." utos nito na kinalaki ng mga mata ni jungkook. "not again, kim." sabi ng dean pero di ito pinakinggan ni taehyung.

"jungkook, you know that you don't suit this category. you're just a dumb ass gay over me. just give this opportunity to joonie hyung. mas mataas pa ang chance namin na manalo kung sya ang kaparis ko." sabi ni taehyung kaya napakuyom ang kamao ni jungkook.

"no--" jungkook

"i'll date you for one day just quit this." sabi ni taehyung na kinagulat ni jungkook. "yun lang naman ang gusto mo, diba? makasama ako, maka-date ako, makausap ako. ibibigay ko sayo basta wag kang pipirma dito." sabi ni taehyung kaya napaisip si jungkook.

"jungkook, you know that this competition can help you to your studies that's why i chose you." sabi ng dean nung mapansin ang pagdadalawang-isip ni jungkook. umangat ang gilid ng labi ni taehyung lalo na't alam nya kung gano kabaliw si jungkook sa kanya.

TaeKook SHOTSStories to obsess over. Discover now