third persons pov
"hanggang 3pm lang ako." sabi agad ni taehyung nung makababa sya ng kotse nya. tumingin si jungkook sa relo nya at nakitang alas-nuwebe na.
yung usapan nilang alas-syete ay tumagal ng tumagal dahil sa pagka-late ni taehyung, tapos sasabihin nitong hanggang 3pm lang sila.
"pero--" jungkook
"ano? may angal ka? buti nga makakasama mo pa'ko. ano bang gagawin natin ngayong araw?" bored na tanong ni taehyung kaya muling na-excite si jungkook. "nakakain ka na ng breakfast?" tanong nya na tinanguan nito.
"ikaw? may gusto ka bang puntahan?" tanong nya. "amusement park." sagot nito kaya mabilis itong hinila ni jungkook at pinasok sa kotse. sya ang umupo sa driver's seat at bago pa makahuma si taehyung ay napaandar na ni jungkook yun.
magrereklamo sana sya pero di na lang sya nagsalita nung makita ang pag-fofocus nito sa pagmamaneho. lumipas pa ang ilang minuto at tumigil sila sa parking lot ng isang kilalang amusement park.
nung makababa sila ay agad na hinawakan ni jungkook ang kamay ni taehyung na agad winasiwas ni taehyung. "why are you so damn clingy?" tanong ni taehyung saka na nagpatiuna sa paglalakad. nung makapasok sila ay binigyan sila ng cute bunny headbands na agad sinuot ni jungkook.
"let me." sabi ni jungkook at sinuot kay taehyung ang bunny headband. inayos nya yun sa buhok ni taehyung kaya napatitig si taehyung sa maamong mukha nito.
tss, maganda sana lahi nya kung di lang lalaki ang tipo nya. -_-
"okay, saan tayo magsisi---" taehyung
"extreme rides!" sabi ni jungkook at hinila si taehyung sa ride na may pinaka-konting pila.
konti dahil tunay na extreme at nakakatakot ang ride na yun. pinanood ni taehyung ang ride at pakiramdam nya ay nanuyo ang lalamunan nya. narinig nya ang mahinang pagtawa ni jungkook kaya angat ang isang kilay na tiningnan nya ito.
"what?" angil nya. "you're scared, aren't you?" tanong nito. "i'm not." sagot nya saka naka-cross arms na nag-iwas ng tingin.
umusad pa ng umusad ang pila hanggang sa makasakay na sila. nung maayos na ang pagkakaupo nila ay nagsimula sa mahina ang ride hanggang sa bumilis ng bumilis yun.
"aaaaaaahhhhhhhhh!!!!!!!" sigaw ni taehyung habang nakapikit. "god!!!! noo!!!!!" sigaw nya pa nung mas lumakas yun. napadilat sya nung maramdaman nyang may nakahawak sa kamay nya. tumingin sya kay jungkook at nakitang enjoy na enjoy ito.
nakangiti itong lumingon sa kanya na kinatigil nya. "just look at me, tae!!" sigaw nito at dun ay napahigpit ang hawak ni taehyung sa kamay nito nung bumilis ang ride.
sumubok pa sila ng iba-ibang rides hanggang sa matagpuan na lang nila ang sarili nilang nakaupo sa foodcourt ng park. abala sa pagkain ng burger si taehyung samantalang pinapanood naman ito ni jungkook.
"here." sabi ni jungkook at dinusog ang crepe kay taehyung. umangat ang isang kilay ni taehyung dahil dun. "eat that. i-i just noticed how much you love strawberries." napapakamot ng batok na sabi ni jungkook.
di na nagreklamo si taehyung dahil nag-ke-crave din naman sya sa strawberry nung mga oras na yun. habang kumakain sya ay napansin nya ang titig sa kanya ni jungkook.
"pwede bang wag mo'kong titigan? nakakatakot ka, eh." reklamo nya na kinakurap nito. "ah, yes. sorry." sabi nito saka nagpatuloy sa pagkain habang pinapanood ang mga rides na abot sa paningin nila.
si taehyung naman ngayon ang pasimpleng nanonood at nakatitig sa bawat ekspresyon sa mukha ni jungkook. nagulat pa sya nung may pahirin ito sa gilid ng labi nya. napakurap sya at tinapik ang kamay nito na kinalayo nito.
"kanina pa kasi kita tinatawag at may sauce sa gilid ng labi mo pero parang di mo'ko naririnig kaya--" jungkook
"fine. fine." tanging sabi ni taehyung saka na inubos ang pagkain. tumayo sya kasunod si jungkook na patingin-tingin sa paligid.
"tae, wait!" napatigil si taehyung nung sumigaw si jungkook. tumigil ito sa gawi kung saan may mga bracelets at kwintas na pwedeng bilhin lalo na't connected ito sa amusement park.
"ito po." nakangiting turo ni jungkook sa dalawang bracelet na may pagkakamukha. tanging pendant lang nito ang magkaiba, isang bunny at bear pendant.
nung mabayaran ni jungkook yun ay humarap sya sa confused na si taehyumg. akmang kukunin na nya ang kamay nito nung lumayo ito. "tae--"
"no, jeon. couple bracelets? really? are you kidding me?" tanong ni taehyung. "this is just a simple bracelet. not couple--"
"wag mo na nga akong utuin, jungkook. hindi ko isusuot yan dahil sapilitan lang naman tong buong set-up na'to. damn it." asar na sabi ni taehyung matapos itapon ang bracelet na inaabot ni jungkook.
"umuwi ka ng mag-isa mo. tapos na yung deal." sabi nya saka nakapamulsang lumabas ng amusement park. tinapon nya ang bunny headband na kanina nya pang suot at padabog na sumakay sa kotse nya.
"fuck it! sana di ko na lang sya nakilala. bakit ba nag-eexist pa ang mga gaya nya sa mundo? nakakaasar!" galit nyang pinalo ang manibela at agad na pinaandar yun paalis ng parking lot.
i hate you, jeon.
naiwan si jungkook sa pwesto nito habang pinagtitinginan ng mga tao. pinigilan nya ang maluha habang pinupulot ang bracelet.
naglakad din sya palabas ng amusement park, umaasang maabutan si taehyung pero wala na ito. umupo sya sa bus stop para kalmahin ang sarili nya. mabilis nyang pinunasan ang luha nya nung maramdaman ang pagdaloy nun sa pisngi nya.
"i wish i can forget you. i-i can't handle the pain anymore. can't i just forget you in a blink of an eye?" bulong nya habang nakatitig sa bracelets na nasa kamay nya.
----
YOU ARE READING
TaeKook SHOTS
De Todo➡open the book if you want to read and explore taekook stories ;) ➡each story/serie have 1, 5 or 6 chapters. ➡enjoy and borahae♡ (#^.^#) 🔹this is a FILIPINO/TAGALOG oneshots 🔸doesn't have everyday ud, i'll just update it if i'm available or free...