[ONE REASON] pt.4

254 22 5
                                    

third person's pov

"suga hyung, just hold the meeting for a while. may kailangan lang talaga kong puntahan." sabi ni jungkook sa kabilang linya at narinig nya ang pagbuga ng hangin ni suga.

"fine. fine. i'll just play the presentation for a while. we'll wait for you, okay?"  sabi nito at dun ay agad syang nagpasalamat dito.

umangat ang tingin nya sa pangalan ng store nung maibaba nya ang tawag. pumasok sya sa loob at kung sinuswerte nga naman ay kilala nya pa ang nasa counter.

"oh, iho, hindi ba't ikaw yung bumili sakin nung nakaraan kasama yung cute na lalaki?" tanong nito na tinanguan nya. "actually, fiancee ko po sya." proud nyang sabi at pinilit ngumiti kahit alam nyang napakakumplikado ng sitwasyon.

"aba'y congratulations sa inyong dalawa. ano nga pala ang ginagawa mo dito?" nakangiting tanong nito. "gusto ko po sanang gumawa kayo ng burgers na paborito nya sa mismong araw ng kasal namin." sabi ni jungkook na kinagulat ng lalaki.

"iyan ba'y totoo, iho? aba'y halatang laki ka sa mayaman at kilalang pamilya, ah?" tanong nito na kinatawa mg mahina ni jungkook.

"gusto ko lang po sanang mapasaya sya. paborito nya kasi to at childhood food nya pa. maganda sana kung kasama ito sa menu ng reception." sabi nya.

"napakaswerte nya sa iyo, iho. binibigyan mong halaga yung mga bagay na gusto nya. yang mga maliliit at simpleng bagay na yan ay nakakapagpasaya na ng tao." nakangiting sabi nito. ngumiti na lang rin sya kahit alam nyang di naman makikita o malalaman ni taehyung ang mga ganitong ginagawa nya.

dun ay ibinigay nya ang contact number ng may handle sa pagkain sa reception para magkausap ang dalawa.

matapos nyon ay nagpaalam na sya at nagmamadaling dumiretso sa kotse nya. alam nyang masasakal sya ni suga oras na tumapak sya sa opisina nya.

kinuha nya ang phone nya para matawagan ito at masabing papunta na sya. agad na nabura ang ngiti nya at halos mabitiwan nya ang phone nya nung makita sa kabilang daan si taehyung.

may kaakbay itong babae at nagtatawanan pa ang dalawa. nakuha pang halikan ni taehyung ang sintido at ang labi ng babaeng kasama nito at dun ay tuluyan ng natulos si jungkook sa kinatatayuan.

yun ang unang beses na nakita nya ang tunay na saya sa mukha ni taehyung pero sino ang babaeng kasama nito? kahit na lumampas na sa kanya ang dalawa at malayo na ay nakapako pa rin ang tingin nya dito.

nung tuluyan itong mawala sa paningin nya ay parang dun lang sya nakahinga ulit, di nya man lang napansin na nahigit nya ang hininga nya sa senaryong nakita nya.

nanlalabo ang mga matang pinulot nya ang phone nya at dumiretso sa kotse nya. sinenyasan nya ang driver na ipagmaneho sya. napansin nyang nasagot na pala ni suga ang tawag kaya nanginginig at nangangatal man ang labi ay nagsalita pa rin sya 

TaeKook SHOTSWhere stories live. Discover now