[ILLUMINATING MINUTES] •end•

656 29 14
                                    

third person's pov

"jungkook!" napadilat si taehyung at napatingin sa paligid nya. habol ang hiningang tumayo sya at sinuot ang sapatos nya. halos di na nya nasintas ng maayos yun kakamadaling tumakbo palabas ng lugar na yun. nung tuluyan syang makatayo ay hinawi nya ang kurtina.

napatigil sya nung makita dun ang dean, sa harap nito ay ang folder na may lamang waver para sa competition. "good that you're awake already. please, sign this---" dean

di nya ito pinansin at dumiretso sa pinto. "kim taehyung, don't let me repeat myself--" dean

"i-i need to see jungkook! i can't let him go! that bitch taejoon can die!" sigaw nya na kinaangat ng isang kilay ni mr. angeles. "yeah? who's taejoon by the way? wala namang naka-enrol na taejoon dito." sabi ni mr. angeles.

"yun na nga. sino yung pandak na yun para agawin sakin si jungkook? nakuha nya pang paluin yung kamay ko?! napakapangit nya! feeling cute eh mas cute ako----oh, wait, h-hindi mo kilala si taejoon?" tanong ni taehyung sa dean na dahan-dahang napatango, halatang nawiwirduhan na kay taehyung.

"anong araw ngayon?!" sigaw nya na kinagulat ng dean. "thursday, october 21---" di na natuloy ng dean ang sasabihin nya nung bumukas ang pinto at bumungad si jungkook.

napansin ni taehyung na ang damit na suot nito ay ang parehong damit na suot nito nung pinapili nya ito sa pagitan ng competition at ng isang araw kasama sya. 

agad na dumapo ang mga mata nito kay taehyung. di inakala ni taehyung na kakabahan sya sa simpleng tingin ni jungkook na yun. sinalubong nya ang mga mata nito at napansin na bumalik na ang paraan ng pagtingin nito sa kanya.

yung mapang-unawa, mapagmahal at puno ng pag-asang mga mata. di nya inakalang bigla na lang tutulo ang luha nya habang nakatitig sa mukha nito. umiiyak nyang pinutol ang distansya nila at yumakap dito.

"k-kook, i-i--oh god. please, sabihin mong t-totoo to, n-na wala kang taejoon na b-boyfriend. na ako pa rin yung gusto mo. na kilala mo'ko. please, sabihin mong kilala mo'ko." pakiusap nya habang nakasubsob sa balikat nito.

"tae, bakit ka umiiyak? anong nangyari? pinapunta ako ni yugyeom dito para sa competition. m-may nangyari ba---" naputol ang sasabihin ni jungkook nung bigla syang halikan ng umiiyak na si taehyung.

nakahawak ito sa magkabilang pisngi nya habang nilalaliman ang halik. pakiramdam ni jungkook ay natuod na sya sa kinatatayuan nya. di nya inakalang sa pagbukas nya ng pinto na yun ay ganito ang bubungad sa kanya, isang umiiyak, nakikiusap at nanghahalik na taehyung.

"k-kiss me back.." pagputol nito sa halik habang nakatitig sa mga mata nya. kitang-kita nya ang takot, kaba at lungkot sa mga mata nito. wala sa sariling hinalikan nya ang tungki ng ilong nito at pinunasan ang pisngi nito.

"bear, stop crying for koo, please?" bulong nya kaya dahan-dahan itong tumango pero namamasa na naman ang mga mata. "hush, baby. why are you crying in the first place?" bulong nya pa matapos itong hilahin para yakapin. muli itong sumubsob sa balikat nya na para bang takut na takot itong mawala sya.

"j-jungkook, wag kang m-mawawala sakin, please." sagot nito habang mahigpit na nakayakap sa kanya. nagtataka na nyang tiningnan ang dean na bahagyang ngumiti.

TaeKook SHOTSWhere stories live. Discover now