[WAR OF LOVE]

968 31 31
                                        

┌─── ∘°❉°∘ ───┐

taekook au wherein;
taehyung and jungkook loves arguing out of
small and big things

└─── °∘❉∘° ───┘

"she's important, huh?"
"you're more important."
-kim taehyung & jeon jungkook

third person's pov

"ay, wow?! wow, jeon! ang kapal, ah?" nakapamewang na sabi ni taehyung habang nakatingin kay jungkook. "ako pa? ako pa ang makapal ang mukha, kim? sino kaya yung kumain ng waffles na ginawa ko para sa sarili ko, rinig mo yun? sa sarili ko." sabi ni jungkook habang nakaturo sa platong wala ng laman ngayon.

"bakit kasi di mo sinabing sayo? sumigaw ako. nagtanong ako kung kanino yun pero ano? di ka sumagot! palibhasa busy'ng busy ka dyan sa bruha mong jowa." reklamo ni taehyung kaya umangat ang isang kilay ni jungkook.

the audacity of this jerk?! >∆<

"ang kapal talaga, kim. matapos mong kainin yung waffles ko nakukuha mo pang laitin yung jowa ko? kung naiinggit ka, maghanap ka rin ng jowa at masabi ko lang sayo, kuko ka lang sa paa ni veniz!" singhal nya dito na kinalaki ng mga mata nito at kinapula ng mukha nito---

-----sa galit.

"gago ka?! ako?! kuko sa paa?! ingrown ko nga lang yang pangit mong jowa. feeling cute eh mukha namang nasampal ng espasol. at isa pa jeon, kung mag-su-survey ka dyan, paniguradong ako ang ibobotong maganda ng mga tao at di yang aswang mong girlfriend!" singhal pabalik ni taehyung na kinakunot ng noo ni jungkook.

"nang-gagago ka ba? ano bang problema mo sa jowa ko, huh? kung naiinggit ka, humanap ka ng sayo. hindi yang nanggugulo ka at nanlalait ka ng jowa ng may jowa. akala mo naman perfect ka! pangit!" sigaw ni jungkook saka nilampasan si taehyung. nakuha pa nitong banggain ang balikat ni taehyung kaya napaatras ito.

"mas pangit ka!" sigaw pabalik ni taehyung habang nakatingin sa likod ni jungkook.

"payatot!" jungkook

"malaki ilong!" taehyung

"maingay!" jungkook

"mukhang kuneho!" taehyung

"feeling cute!" jungkook

TaeKook SHOTSWhere stories live. Discover now