[WAR OF LOVE] pt.2

689 27 27
                                        

third person's pov

"this or this?? uhm." tanong ni jungkook habang namimili sa dalawang klase ng strawberry jam. "kahit ano na lang kasi. antagal mo namang mamili, eh." reklamo ni taehyung habang nakatayo sa tabi ni jungkook. inangatan sya ng kilay ni jungkook dahil sa reklamo nya.

"ikaw lang yung mahilig sa palaman na'to at napaka-choosy mo pa. kaya nga pinipili ko ng maayos para wala kang masabi kapag natikman mo na. maski kasi ito eh pinag-aawayan pa natin sa umaga." sabi ni jungkook kaya nakasimangot na tumingin sa paligid si taehyung.

walang paalam na iniwan nya si jungkook sa hallway na yun at nag-ikut-ikot para mamili o maghanap ng pwede nyang bilhin. tahimik syang nag-ikut-ikot hanggang sa tumigil sya sa parte ng mga prutas.

"sweet mangoes.." bulong nya habang nakatingin sa dilaw na mangga. "but i'm also craving for apples and grapes." dagdag nya pa saka tumingin sa paligid para hanapin si jungkook.

umalis sya sa tapat ng mga prutas at binalikan sa breads and jams section si jungkook. nagtaka sya nung di ito makita dun. kinapa nya ang bulsa nya para hanapin ang phone nya pero napatapik sya sa noo nya nung maalalang kay jungkook nya pala pinahawak lahat ng gamit nya.

"nasaan na yun?" bulong nya habang sinusuyod ang bawat section. sa dami ng tao sa market ay di nya ito mahanap lalo na't ordinaryong itim na hoodie lang ang suot nito.

"yah! nasaan na ba yung gagong yun?" bulong nya pa habang todo-iwas sa mga tao.

"announcement.." di nya pinansin ang boses sa speaker at nanatili sa pag-iikot sa bawat section. nakakagat na sya sa labi nya lalo na't ilang minuto ng nawawala si jungkook sa paningin nya.

"announcement para sa tatanga-tanga kong dormmate dyan na may suot na brown sweater at may print na mukha ng bear, naka-black jeans, sandals at eyeglasses. napakatanga mo, kim taehyung, nandito ko sa announcement section. puntahan mo'ko. sino ba nagsabi sayong lumayo ka sakin? bobo, amp." natulala pa sya ng ilang segundo sa speaker dahil sa mga sinabi ni jungkook.

"sir? ikaw po yata yung hinahanap sa announcement hall?" sabi nung isang babae na katabi ni taehyung kaya napakurap sya. "s-sa tingin ko din.." nahihiya nyang bulong bago nagmamadaling naglakad papunta sa nasabing lugar.

naabutan nyang bored na nakasandal sa pader si jungkook samantalang sa harap nito ay ang cart na puno ng pinamili nila. agad syang tumakbo palapit dito at yumakap sa bewang nito.

"sya na ba yun, sir?" tanong ng lalaki sa announcement section. "yes, thank you." sabi ni jungkook habang nakayakap sa bewang ni taehyung. umalis sila sa section na yun na nakahawak si jungkook sa sweater ni taehyung habang ang isa nyang kamay ay tinutulak ang cart.

"saan ka ba galing? paglingon ko, wala ka na. isa't kalahating tanga ka pa naman." sabi ni jungkook saka nilingon ang nakasimagot na si taehyung. "pumunta ko sa fruit section." sagot ni taehyung.

"bakit? nag-crave ka na naman sa strawberry? di mo pa nga ubos yung nasa ref." sabi ni jungkook. "gusto ko ng sweet mangoes pero gusto ko rin ng apple at grapes." sabi ni taehyung habang nakayuko

"too many cravings. daig mo pa ang babae kapag may period." sabi ni jungkook saka lumiko papunta sa fruit section. nung tumigil sya ay nilingon nya si taehyung na nakayuko pa rin.

"get your cravings, tae." sabi ni jungkook. tahimik na nanguha si taehyung ng prutas at isa-isang nilagay yun sa cart. nung matapos sya ay bumalik sya sa tabi ni jungkook at hinawakan ang sweater nito. napailing na lang si jungkook bago pumila sa cashier.

"baka may bibilhin ka pa. mag-ikut-ikot ka muna at dito mo'ko balikan." sabi ni jungkook pero umiling lang si taehyung. "eh may gusto ka pa bang puntahan paglabas natin dito?" tanong ulit ni jungkook.

"gusto kong pumuntang starbucks." sabi ni taehyung kaya nag-okay sign si jungkook at niyakap ang braso nya sa bewang nito. sumandal sa kanya si taehyung habang naghihintay sila sa pila.

'are they lovers?'

'sila yata yung sa speaker kanina?'

'ang cute nila'

rinig nila ang bulungan ng kasunod nila sa pila kaya bahagyang lumayo si taehyung kay jungkook. nagulat pa sya nung hilahin sya nito pabalik at ipwesto sa harapan nito.

ang mga kamay nito ay parehong nakahawak sa cart samantalang nakakulong sa gitna si taehyung. napahawak na lang din sa cart si taehyung habang nakapahinga ang mukha ni jungkook sa balikat nya.

'yahh!! i'm a sucker for this!!'

'shet, ang cute talaga!'

namula ang tenga ni taehyung na bahagyang kinangiti ni jungkook. umusad ng umusad ang pila hanggang sa tuluyan silang makaalis ng market na yun.

si jungkook ang naglagay ng mga pinamili nila sa likod ng kotse habang pinapanood lang naman ito ni taehyung. nung maisara ni jungkook ang likod ng kotse ay sinenyasan nya si taehyung na sumakay na sa loob.

"starbucks!!" sabi ni taehyung. "yeah, yeah, di ko nakakalimutan." sabi ni jungkook saka na nagmaneho.

"wait, tae! wag kang tumakbo!" sigaw ni jungkook nung nagmamadaling bumaba si taehyung at pumasok ng starbucks. "this brat." napapailing nyang sabi habang kinukuha ang shoulder bag ni taehyung. sinuot nya yun sa sarili nya saka na sinundan si taehyung.

naabutan nya itong umo-order sa counter. tumabi sya dito at hinintay na matapos umorder para sa kanilang dalawa. nung makuha at mabayaran nila yun ay lumabas rin sila ng starbucks.

sumandal sa kotse si taehyung habang iniinom ang in-order nya. "i am not forgetting our movie marathon tonight, jeon. gagawa ka ng strawberry smoothie at magluluto ng pwedeng kainin. pinangako mo yun." sabi ni taehyung kaya napatigil si jungkook.

"oh.." sa simpleng salita lang na yun ay alam na agad ni taehyung ang kasunod na sasabihin nito. "let's reschedule it, tae. i will sleep at veniz's apartment tonight--" jungkook

"tss. kahit wag na nating ituloy." sabi ni taehyung saka padabog na pumasok ng kotse. napahinga na lang ng malalim si jungkook at tiningnan ang pagsusuot nito ng earphones.

yeah, one minute we're fine, next minute we're arguing again. hays, life. -,-

---

TaeKook SHOTSStories to obsess over. Discover now