[NO]

448 24 9
                                    

┌─── ∘°❉°∘ ───

taekook au wherein;
kim taehyung is a coldhearted male
who have lots of suitors. he always rejects
them in the most embarrassing way possible. not until jeon jungkook, a sweet transferee, enters the university.

└─── °∘❉∘° ───┘

"i love you. c-can you be my boyfriend?"
"no."
-kim taehyung and jeon jungkook

requested by: Ace_Taegguk090130

third person's pov

"no, i don't need that." naka-cross arms at nakaangat ang isang kilay na tiningnan ni taehyung ang inaabot na bulaklak sa kanya ng kaharap. maski si jimin at suga na katabi nya ay nahihiya na lang para sa estudyante.

"b-but--"

"ano sa no, i don't need that ang hindi mo naintindihan? gusto mo bang tagalugin ko pa?" muling tanong ni taehyung kaya nabitiwan na ng lalaki ang bulaklak. "k-kahit sana tinanggap--"

"kung tinanggap ko yan, aasa ka. mas mabuti ng prangka tayo dito kesa umaasa ka sa wala. tumabi ka na nga dyan at may klase pa'ko." utos ni taehyung kaya nakayukong gumilid ang lalaki.

dumaan si taehyung samantalang naaawa namang tiningnan nina suga at jimin ang estudyante. napailing na lang si suga bago tingnan si jimin. "di ko alam kung bakit subok pa sila ng subok." napapailing na sabi nya na agad tinanguan ni jimin.

"feeling kasi nila ay nakakataas ng ego kapag inoohan ko sila. nakakasukang mindset." pagsabat ni taehyung sa usapan nila habang naglalakad sa hallway.

lahat ng madadaanan nila ay agad humahawi makita pa lang si taehyung. di nawala ang blangkong mukha ni taehyung dagdag pa ang talim ng mga mata nito, halatang sirang-sira ang araw.

dumiretso si taehyung sa locker nya para kunin ang ilan sa mga kakailanganin nya sa klase. sa taas ng locker nya ay makikita ang maraming regalo at ilang letters. napatigil sya sa paglalakad gayundin sila jimin.

"uhh, tae---" -jimin

"kelan ba sila susuko? sino bang nagpauso na mag-iwan ng kalat sa locker ko? ako yung napapagod kakalinis at kakaalis. nakakaasar." malakas na reklamo ni taehyung na kinagulat ng mga nasa locker room din ng oras na yun.

lumapit si taehyung dun at isa-isang inalis ang mga kalat sa taas ng locker nya. inabot nya yun lahat kila jimin at suga na walang nagawa kundi kunin ang mga yun. "anong gagawin namin dito, tae?" tanong ni suga.

"bahala kayo. wala naman akong pakialam dyan." sagot ni taehyung habang busy sa pagpapalit ng laman ng bag nya. nagkatinginan sila jimin at suga bago sabay na napailing.

TaeKook SHOTSWhere stories live. Discover now