[SAVE ME] pt.3

305 25 28
                                    

third person's pov

"great! sigurado ka dito?" excited na sabi ni jungkook habang nakahawak sa papel na inabot ni taehyung sa kanya. pagod na tumango si taehyung habang nakatingin sa mukha ni jungkook.

"as in walang mali? perfect?" excited pa ulit na tanong nito kaya tumango sya ulit. "pero tandaan mong labas ako dyan, jungkook. ayokong madadamay ako sa ginagawa mo na yan. mas mabuti pa sana kung nag-aral ka na lang kesa mandadaya---"

"sigurado kang pangangaralan mo'ko at sisirain ang maganda kong mood, taehyung? baka gusto mong magkapasa sa panga?" walang-emosyong tanong nito kaya natikom ang bibig ni taehyung.

yeah, i'll shut up..

muli syang tiningnan ni jungkook matapos nitong ibulsa ang papel na binigay nya. nagulat pa sya nung nakangiti itong yumakap sa kanya. ramdam na ramdam nya ang saya nito na kinatulala nya sa kawalan.

"thank you! you're my savior! i promise that i will stop bugging you once i succeed!" sabi nito saka muling kumalas ng yakap. mahina itong tumalun talon sa pwesto nito na parang bata saka natatawang tiningnan si taehyung.

natulala si taehyung sa magandang ngiti nito, wala ang mapaglarong ngisi dun, purong kasiyahan lang. walang mapang-asar at mapang-uyam na tingin, napakainosente nito sa paningin nya lalo na ang bunny smile nito.

"thank you for this, tae.." sabi nito at nagulat pa sya nung halikan nito ang tungki ng ilong nya. mahina itong tumawa saka lumayo sa kanya. "sorry can't help it. you looks so cute with that expression. see you after the examination week!!" paalam nito saka patalun-talon na umalis sa hallway na yun.

napakurap si taehyung at hinaplos ang tungki ng ilong nya. pinanood nya ang pagliko nito sa hallway bago napabuntong hininga. bigla ay nakadama sya ng guiltiness nung maisip na di nya sinunod ang gusto nito.

nagkibit-balikat na lang sya saka naglakad paalis ng hallway na yun. paulit-ulit na nagpe-play sa isipan nya ang ngiti nito pero binalewala nya na lang yun at naglakad na paalis ng university.

"mas magandang matuto sya minsan. hindi pwedeng puro pandadaya lang ang gagawin nya." bulong nya pa habang naglalakad.

maybe, 15 mistakes aren't that bad?

--

"a-aray---j-jungkook---" taehyung

"bakit mo minali?! sinabi ko na sayong i-perfect mo! alin ba dun yung hindi mo maintindihan?! tanga ka ba o bobo?! di ka ba makaintindi ng simpleng utos?! bakit ba ang tanga-tanga mo?!" galit na bulyaw sa kanya ni jungkook matapos isampal sa kanya ang test paper nito.

bumagsak sa sahig ang papel at gaya ng inaasahan ni taehyung, may kinseng mali si jungkook. kabaligtaran sa utos nitong i-perfect ang exam at huwag lalagyan ng kahit isang mali. napakagat sya sa pang-ibabang labi nya nung marinig ang galit na sigaw nito.

hinila nito ang kwelyo nya at malakas syang binalya sa pader. "bakit di mo'ko sinunod?! sinabihan na kitang i-perfect---" jungkook

TaeKook SHOTSWhere stories live. Discover now