[THE WAY HOME] ❀

522 22 7
                                    

[ all credits to the book that i've read in ao3. i loved the plot that's why i made my own version :) ]

┌─── ∘°❉°∘ ───┐

taekook au wherein;
kim taehyung really hates his demonic boss, jeon jungkook. something happened and that's when he think of getting his revenge. well--

└─── °∘❉∘° ───┘

"i am home.." -kim th
"i cooked japchae for you!!" -jeon jk

third person's pov

"mr. jeon---"

"that's bullshit!" malakas na sigaw ni jungkook sabay bato ng folder sa sahig. mabilis na napayuko lahat ng kasama nya sa opisina na yun pati na si taehyung. damang-dama nya ang galit ni jungkook ganundin ang takot ng mga kasama nyang empleyado.

"why did you let mr. choi go?! haven't i told you that i'll be late for only 15 minutes?!?! he's a possible investor--damn it!!" asar na sabi nito saka padabog na umupo sa swivel chair nya.

nagkaroon ng mahabang katahimikan sa loob ng opisina. tanging tibok lang ng puso ni taehyung ang naririnig nya at para bang nabibingi na rin sya sa takot at nerbyos.

"kim taehyung, explain." nanginginig na inangat ni taehyung ang mukha nya at nakita ang galit na galit na anyo ni jungkook.

para bang handa na itong sakmalin sya kapag may sinabi syang mali. muli rin syang nagyuko ng ulo bago hanapin ang boses nyang sumuko na yata sa takot.

"mr. j-jeon, sinubukan po namin syang pakiusapan pero di po talaga sya nakinig. sinabi ko na pong paparating na po kayo pero may kailangan daw po talaga syang puntahan. ito lang daw po ang schedule na pwede nyo syang makausap--- h-he never sign the contract since you're not here to explain it---"

"you could've just explain it yourself. kasama kita sa lahat ng meetings, sa pagpaplano nun at alam mo rin ang laman ng kontrata. may bibig ka naman pero bakit di mo ginamit? may utak ka rin naman pero bakit hindi mo pinagana? are you showing me how irresponsible you are, kim?" frustrated na tanong nito na muling kinayuko ni taehyung. napakagat na lang sya sa pang-ibabang labi nya sa labis na kahihiyan.

pakiramdam nya ay matutunaw na sya sa kinatatayuan nya dahil sa pasimpleng pagtingin sa kanya ng mga kasamahan nyang empleyado. may ilan na halatang naaawa sa kanya gaya ni jimin na kasama nyang nandun. meron ding ilan na mukhang gusto pa syang pagtawanan dahil sa pamamahiya ni jungkook.

"sa susunod, gamitin niyo yang mga utak nyo. gumawa kayo ng paraan sa mga ganung sitwasyon para hindi tayo nawawalan ng mahahalagang tao. hindi kayo nalagay sa mga pwesto na yan para maging tanga. lumabas na kayo." asar pa ring sabi nito kaya mabilis na nagsipagtungo ang lahat sa pinto. "stay, mr. kim." malamig na sabi ni jungkook na kinatuod ni taehyung sa kinatatayuan nya.

tiningnan ni taehyung si jimin na mukhang natakot rin para sa kanya. ngumiti na lang sya ng pilit kaya napabuntong hininga na lang ito sabay labas sa pinto.

TaeKook SHOTSWhere stories live. Discover now