[ONE REASON] pt.2

282 24 8
                                    

third person's pov

"ikaw po ba si atty. kim seokjin?" tanong ni taehyung habang nakatingin sa lalaking may binabasang dokumento. umangat ang tingin nito sa kanya at bahagya pang inayos ang eyeglasses nito.

"mr. kim taehyung?" tanong ni seokjin na agad tinanguan ni taehyung. umupo sya sa upuang nasa harapan nito. "bakit gusto mo'kong makausap?" tanong ni seokjin matapos nilang maka-order. kabadong tumingin si taehyung sa glass window ng coffeeshop na yun.

"m-magagawan nyo po ba ng paraan na hindi matuloy ang kasal?" tanong ni taehyung pero nanatiling tahimik si seokjin.

"kasi po may--may girlfriend na po ako.." malungkot na sabi ni taehyung, agad nyang nahalata ang gulat sa mga mata ng kaharap.

"ayoko pong maikasal sa boss ko. nagtatrabaho po ako at nag-iipon para sa amin ni sofia. hindi ko po makita ang rason kung bakit dinawit ako ng elder jeon sa pamana nya kay mr. jeon. mahal na mahal ko po si sofia, atty. hindi nyo po ba talaga magagawan ng paraan to?" naluluhang pakiusap ni taehyung at nakuha pang hawakan ang kamay ni jin.

napatitig si jin dito at napahinga ng malalim.

why is this so complicated?

"mr. kim, i will try to study your case. i will do everything to help you but i hope that you won't expect too much. may mga sitwasyon na mahirap talagang alisin ang bisa ng last will and testament. i promise to help you in all that i can." sagot ni jin kaya namuo ang pag-asa sa mata ni taehyung.

"s-salamat po, atty. a-ayoko po talagang maikasal sa kanya. kapag po nagawan nyo to ng paraan ay mag-re-resign na po ako. masyado pong komplikado kapag nagtatrabaho sa mga ganong angkan." naibulong ni taehyung at di mapigilang sumang-ayon ni seokjin.

that's so freakin' true.

"you love your girlfriend so much, mr. kim, she's so lucky to have you." pagbati nya na agad na kinangiti ni taehyung. mahahalata pa ang pagkislap ng mga mata nito na kinatawa ng mahina ni seokjin.

he's so damn inlove.

"ako po yung swerte sa kanya, atty. kim. tinanggap at minahal nya ko sa kung ano ako at kung ano yung kaya kong ibigay. kaya po nakikiusap ako sa inyo na kung may magagawa po kayo ay gawan nyo na po ng paraan." pakiusap nya na tinanguan ni seokjin.

"give me time, mr. kim. let's see what i can do. i will just call you for the update." sabi ni seokjin at dun ay nagpasalamatan sila bago tuluyang nagpaalam sa isa't isa.

agad na dumiretso si taehyung sa location na minessage sa kanya ni hoseok. nung makarating sya dun ay naabutan nyang nakasandal sa pader si jungkook habang nililipat ang pahina ng brochure.

TaeKook SHOTSWhere stories live. Discover now